John Prats denies rumored public displays of affection with Shaina Magdayao
By: Chan-Chan Torres   From: ABS-CBN.com
[July 29, 2009]

John Prats is inspired at the moment with his current projects on TV, specially Banana Split because maganda ang feedback ng show. Isa daw siguro sa factors kung bakit swak ang samahan ng stars of the show ay dahil close silang lahat off-cam. “Para kaming isang pamilya. Sa iisang dressing room kami kumakain, at ang cook namin ay si Pokwang.”

Sa kabilang banda, hindi pa din makaiwas sa intriga si John at girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Isa na rito ang isyung nakita raw na naghahalikan ang dalawa sa dressing room ng ASAP ’09. Tinanong ng ABS-CBN.com si John about this at agad namang pinabulaanan ng aktor ang tungkol sa kababawang intrigang ito. Walang katotohanan ang balita na lagi silang nagpi -PDA (public display of affection) ni Shaina. “Mahilig akong mang-hug pero ‘yung maghalikan kayo sa harap ng maraming tao, para namang hindi dapat. Respeto na lang din sa babae at dapat ay ginagawa ‘yun sa pribado lang, kahit sino naman, eh,” paliwanag pa ni John sa amin.

Dagdag pa ng aktor, understandable pa raw kung nasa ibang bansa ka at may ganitong mga balitang nagaganap, eh, nasa Pilipinas daw tayo, kaya hindi pwedeng ganoon. Sinabi rin ni John, totoong malambing siya by nature pero not to a point na may ganoong halikan portion na, kahit siya raw ay mahihiya rin. “Dapat ilagay sa lugar ang mga ganoong bagay.”

Tinanong na din ng ABS-CBN.com si John, tungkol sa relasyon nila ni Shaina. How are things going on with them? With a grin, sinabi ng aktor, masaya siya sa piling ni Shaina. “Everyday is a special day for us, masaya lang talaga kami.” Isa rin sa factors kung bakit maayos ang pagsasama ng dalawa ay dahil hindi raw sila magka-trabaho. Ito ay opinyon lamang ni John. “Malaking bagay sa amin, ‘yung hindi kami magka-loveteam pero nagsu-suportahan kami.”

May isyu pala na selosa raw si Shaina at super bantay daw ang nobya sa set ng isa pa niyang show na Bud Brothers? Agad na sinabi ni John, hindi selosang girlfriend si Shaina, in fact, bumibisita raw ang aktres sa set para suportahan siya pero umaalis naman daw ito agad. Walang dapat na ipagselos si Shaina, dahil ayon pa kay John, hindi niya binibigyan ng dahilan ang aktres na magalit o magselos ito sa kahit kanino.