John Prats finally gets approval from Vina Morales
By: Julie Bonifacio   From: ABS-CBN website
[January 11, 2009]

Isa sa happy couples sa showbiz sa pagpasok ng 2009 sina John Prats at Shaina Magdayao. Kaya naman nasa cloud nine pa rin si John sa pagkwekwento kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Shaina.

“Actually, hindi ko siya niligawan, e. Parang ang nangyari nag-usap lang kami, nagkwentuhan. Matagal na kaming magkakilala pero… magkasama kami sa Ultimate Dance Four. Pero nag-catch up lang kami. Kwentuhan, kwentuhan hanggang nalaman na lang namin hanggang 4 AM na kami sa telepono,” ngiti ni John.

During that time, pini-pair si Shaina kay Rayver. Ang impression tuloy kay John ay sinulot niya si Shaina kay Rayver. “Actually, wala po naman talaga ako’ng plano na ligawan siya. Hindi ko po naisip talaga, eh. Tapos nu’ng, siyempre ‘pag parating nagkwe-kwentuhan kami tinanong ko muna kung nanliligaw si Rayver talaga sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw nanliligaw si Rayver sa kanya. Kasi parang, si Rayver din tinanong ko. Pero parang wala rin naman chance na manligaw. Bata pa naman daw siya. So, ako parang tinuluy-tuloy ko na ang pakikipag-usap sa kanya. Parang nagkaintindihan lang kami na, yes, may something talaga itong reason na ‘to.”

Wala pa naman daw silang one year ni Shaina. Masasabi na ba niyang seryoso sila sa isa’t isa? “Masasabi ko na mahal ko talaga siya kasi I really care about her. I really care about her and iba, eh. Siya lang ‘yung, sabi ko nga kapag may bago ako’ng ringtone lagi, ’yung ringtone na gustung-gusto ko lagi ko sa kanyang ina-assign kasi siya ‘yung tawag ng tawag. Siya rin ganu’n. Kapag tumatawag ako, may favorite siyang ringtone ‘yun din ang nilalagay niya sa akin. Parang siya lang ‘yung kausap ko sa telepono.”

Masasabi ba niya na si Shaina na ang babaing dadalhin niya sa dambana? “Sana, lagi naman ‘yun ang hinihiling ko. Kaya sana naman. Sabi rin ni Camille (Prats), siguro Kuya kapag nagkaanak kayo ni Shaina super mestisa talaga. Kasi mestisang-mestisa siya. ‘Pag hindi mestisa ang anak namin hindi ako ‘yun sabi ko sa kanya.”

May nagsasabi naman na si John ay may tatak na nang-iiwan ng babae based sa past relationships niya. Agree ba si John dito? “Ako siguro masasabi ko ngayon, dito kay Heart (Evangelista) hindi ko naman siya iniwan. Binalikan ko siya pero hindi lang talaga, ayaw na niya talaga. Sabi ko nga, eh, buti na lang nagsinungaling ako kaysa nagsabi ako ng totoo sa kanya.”

Aminado naman si John na hindi all roses ang relasyon nila ni Shaina at mayroon din naman silang mga misunderstanding. “Siguro may mga away pa rin po. Normal lang naman po pero maliit lang. Nu’ng nag-guest ako sa Banana Split. Ayaw niya kasi puro babae raw doon. Sabi niya, baka halikan ka ni RR (Herrera) doon. Kasi si RR mahilig mang-halik. Kaya kung napanood ninyo episode ko kagabi hindi ako nahalikan ni RR. Lumapit si RR pero noong hinahalikan niya ako tinatakpan ko ang bibig ko.” Hindi naman daw nagseselos si Shaina sa sexy star, paglalambing lang kumbaga. “Lambing lang pero hindi nagseselos. Sabi niya, ’Bakit ka magge-guest doon, eh puro babae doon? Sabi ko, ‘Trust me.’ Kaya nga kung napanood ninyo ‘yung episode ko na nag-guest ako. Inaasar nga ako ni Angelica, e. Sabi niya, ‘Bakit ka umiwas? Magagalit ang Mommy mo? Mommy mo ba talaga?’”

Si John naman, wala daw siyang dapat ika-selos kay Shaina kahit pa ang mga nakapareha na nito like Rayver and Jake Cuenca. “Si Rayver kasi ‘tsaka ako good friends, eh. ‘Tska amabait talaga, e. “Si Jake okay naman siya. Hindi ko siya naisipan kasi barkada ko rin. Uh, si Shaina kasi kaya hindi nagseselos sa kanya dahil ‘yung personality niya ‘pag meron siyang special someone o type niya suplada siya, eh. Hindi siya ‘yung maharot sa lalaki. Ang kaibigan lang niya sina Nikki (Gil), sina Bea (Alonzo) sa ASAP.” However, minsan daw ay kabado siya sa Lobo co-star ni Shaina na si Piolo Pascual. “Si Papa Piolo (Pascual). ‘Yun si Papa Piolo siguro. Pero hindi ako nagseselos kasi si Papa Piolo lagi ko siyang kasama sa dressing room. Si Papa P laging ginaganun si Shaina, ‘Akin ‘to, akin ‘to.’ “Pero si Shaina naman iniiwan niya lagi si Papa P tapos sasabihin niya, ‘Dito ako, dito ako sa hunk.’ Lagi ko’ng inaasar si Papa P. ‘Akala mo ikaw lang ang hunk? Ako rin hunk.”

Samantala natatawa na lamang daw siya sa mga balitang nagparetoke ng boobs si Shaina. “Ay, wala. Nu’ng nalaman ko ‘yun, sinabi niya sa akin ’yun. Sabi niya, ‘B,’ B kasi kaya ako B kasi bilbil. Siya B rin ang tawag ko kasi Bisaya. Pero ‘yun ang nakakatawa, sabi niya nga, ‘Alam mo sabi nila nagpalaki raw ako ng boobs. Pero nakakatuwa kasi lumaki ba ang boobs ko?’ Sabi ko, ’Bakit goal mo ba ang magpalaki ng boobs?’ Sabi niya ‘Hindi naman. Pero natutuwa lang ako kasi sinasabi nila lumnaki ang boobs ko.’ Pero hindi naman talaga siya, kasi araw-araw lagi ko’ng kausap ‘yun, eh. ‘Tsaka kung ako rin naman hindi ako papayag. Kasi parang okay na siya kung ano siya. Maganda na siya. Hindi na niya kailangan.” Kung halimbawang gawin ni Shaina ‘yun na hindi nagpapaalam sa kanya magagalit ba siya? “Siguro magtatampo ako. But knowing her, hindi ‘yun magpapa-ganu’n. Takot kasi ‘yun sa injection, eh.”

On Shaina’s Ate Vina, masaya daw si John at okay na sila nagyon. Very open kasi si Vina noon na hindi siya gusto para kay Shaina. “Oo, totoo ‘yun. Alam ko ‘yun. Kaya nga itong unang Christmas namin ang pinakamasarap dahil nakasama ko ang mga kapatid ni Shaina. Pero okay naman kami ni Ate Vina. Mabait naman si Ate Vina. Kasama ko siya nu’ng Christmas. Si Buntis, ‘yun ang tawag ko sa kanya.”

Feeling ni John ay na-prove naman niya ang sincerity niya kay Shaina kaya’t aprub na siya ngayon kay Vina. “Siguro dahil na rin kay Shaina at dahil din siguro sa naipakita ko sa kanila na nu’ng mga time na bawal lumabas si Shaina o dalaw-dalaw lang ako. Lahat naman ‘yun nirerespeto ko hanggang ngayon, so hanggang dalaw lang ako. Hindi ko pinipilit ang sarili ko. Eh, na-appreciate nila Ate Vina ’yun kaya tuwang-tuwa sila.”

Sa usapang kasalan naman, makikinig daw siya sa payo ng kanyang Tito Aga (Muhlach). “Sabi ni Tito Aga, eh, mga 30 plus. So, mga ganun. Twenty-four na ako ngayon. Si Shaina rin gusto niya 25 na siya. Eksakto ngayon five years ang agwat namin. Nineteen si Shaina ngayon. Ako lagi kong sinasabi sana at dapat. Alam mo, actually ang focus ko ngayon, lovelife ko nand’yan na, eh. Okay na ’yan, eh. Masaya na ako. So career ko at ang business ko ‘yan ang focus ko ngayon. Kasi may isang babae na sumusuporta sa akin, so, ganu’n.” Binigyan na ba nya ng engagement ring si Shaina? “Surprise ko na ‘yun sa kanya (engagement ring nila). Sabi ko isang beses lang ako magpapa-engage kaya bongang-bonga ‘yun,” tapos ni Johh.

Get daily text updates from John Prats! Text JOHN ON to 2366. Exclusive to Smart subscribers. P2.50/SMS P5.00/MMS. Get FREE 3 messages when you subscribe! Available to Philippine residents only.