John Prats, happy makasama sina Juday, Ogie at Direk Dante sa pelikula
By: Nitz Miralles   From: Pilipino STAR Ngayon
[July 16, 2009 ]

Nanonood ng Bubble Gang at idol ni John Prats sina Ogie Alcasid at Michael V, kaya excited itong makasama ang una sa OMG (Oh, My Girl), ang pelikula ng Regal Entertainment na magki-kick off sa anniversary month nito. Sa July 29, magsisimulang mapanood ang pelikula.

Malaking bonus pang makasama niya si Judy Ann Santos at si direk Dante Garcia na sabi ni John, rason kung bakit niya tinanggap ang OMG na first mainstream movie ito ng director.

Hindi gay ang role ni John sa OMG at kung mapaninindigan nito, sa Manay Po lang siya gaganap na bading para hindi siya nata-typecast at para nakikita ng tao na kaya niyang mag-portray ng iba’t ibang klase ng role.

Ikinatutuwa pala ni John na kahit alam ng girlfriend niya si Shaina Magdayao, tanggap pa rin ang pareha nila ni Denise Laurel sa Bud Brothers at may fans sila. Na-extend din ang episode nila dahil sa maraming request. May kissing scenes sila na ‘di pinagseselosan ni Shaina dahil alam nitong trabaho lang ang kanyang ginagawa.