John Prats ipinahiram ng ABS-CBN sa TV5
By: Nitz Miralles   From: Pilipino Star Ngayon
[August 24, 2009]

Ipinahiram ng ABS-CBN si John Prats sa TV5 at ang actor ang gaganap na friendly ghost sa sitcom na Moomoo & Me. Kuwento ni John, series of meetings ang nangyari between his manager Arnold Vegafria and Channel 2 management bago siya pinayagang tanggapin ang project.

Sa September 10, 8:00 p.m., pa ang pilot ng sitcom sa direksyon ni Soxy Topacio.

Matutuwa si John kung maggi-guest ang girlfriend niyang si Shaina Magdayao sa sitcom ng TV5 dahil first director nito si direk Soxy. Kaya lang, magkaiba ang manager nila at ang Star Magic ang magdi-decide kung papayagang mag-guest ang GF sa show.

Sobrang happy si John sa relasyon nila ni Shaina at ang aktres na ang “the girl for him” at gustong pakasalan five to six years from now. Nag-work sa kanila ang five years age gap dahi nagbibigayan at nagkaka-intindihan sila.