John Prats, malakas pa rin ang dating sa masa
By: Ed De Leon   From: People's Taliba
[January 04, 2009]

Ngayon masusubukan kung gaano pa katindi ang dating ni John Prats.

May panahon naman na malakas talaga ang ba-tak niya. At sinasabi nga noon na isa siya sa mga susunod na matinee idols ng bansa.

Kahit na ano ang sabihin nila, mukha ngang okey naman si John dahil ang mga kasabayan niya noon ay wala nang career ngayon.

Halimbawa ay si Carlo Aquino na pinasok pati na ang mga pelikulang bold, pero wala rin namang nangyari sa kanyang acting career.

Ngayon, at least si John Prats mayroon siyang bagong TV series, itong Parekoy na napapanood na ngayon tuwing hapon.

Tatlo silang bida sa Parekoy -- sina Zanjoe Marudo, Jayson Gainza at si John Prats nga. Pero maski na anong ti-ngin ang gawin, palagay ba ninyo sa kani-lang tatlo, sino na ang ta-lagang may grupo ng mga fans?

Ang talaga kasing may exposure lang diyan at nagkaroon na ng solid fans kahit na noong araw ay si John nga.

Iyong dalawa naman ay masasabing talagang baguhan pa lang, kaya siguradong ang pagbatak ng ratings ay nakasalalay pa rin sa lakas ni John.

Pero, malakas ang tiwala namin na kaya pa rin ni John Prats na magdala ng show.

Nakikita naman namin ang reaksyon ng mga fans kapag lumalabas siya. Hanggang ngayon ay tinitilian pa rin siya. Kahit na sabihin mo ngang medyo mature na siya ngayon, dahil mukha pa rin naman siyang teenager, talagang ang tingin sa kanya ng mga fans ay young star pa rin.

Mabuti nga at hindi natulad si John sa ibang mga artistang lalaking lumabas na bading sa pelikula na na-typecast sa ganoong klase ng roles.

Palagay din namin, magandang alternative iyang Parekoy at makapagbibigay iyan ng magandang laban sa kanilang katapat na programa sa kabilang istasyon.