John Prats nataranta sa panlalait
By: Archie de Calma   From: Pinoyparazzi.com
[July 30, 2009]

Nataranta si John Prats sa mga upasala at batikos na napala niya sa pagrampa sa nakaraang Bench underwear show kaya naman sumailalim siya sa South Beach Diet na siyang nagwo-work para sa kanya.

Noong una, ang akala ni John ay sapat na’yung nagbabawas siya ng pagkain ng kanin. Pero, bumaba talaga ang timbang niya nang umpisahan niya ang South Beach Diet plan niya, na wala siyang ibang kakainin kung hindi ang nakapaloob lamang dito.

Hindi man direktang sabihin ni John, gusto rin niyang masubukan ang pagta-trunks sa mga underwear show. Pero, hinay-hinay raw muna. Kapag na-develop na sa diet at gym ang katawan niya, sasabak na siya sa rampahan nang naka-topless, pero huwag daw munang naka-underwear.

Besides, John can’t forever be doing roles na gaya sa ginagampanan niya sa OMG (Oh, My Girl!), bilang sidekick ni Ogie Alcasid. Nagma-mature na nga raw siya. In fact, sa Precious Hearts Romances Present… Bud Brothers, medyo mature na ang look niya for his role.