John Prats, Zanjoe Marudo at Jayson Gainza dapat ilagay sa evening time slot
By: Ed De Leon   From: Taliba
[January 13, 2009]

Maganda nga ang kinalabasan ng Parekoy na pinangungunahan nina John Prats at Zanjoe Marudo at Jayson Gainza.

Hindi nga lang talaga masyadong makaabante sa ratings dahil mas malakas nga ang pre-programming ng kanilang kalabang show. Hindi maikakaila na sa Metro Manila ay mas malakas ang Eat Bulaga kesa sa Wowo-wee, kaya nakalalamang pa rin ang kalaban ng Parekoy. Pero impressive ang ipinakita nilang initial ratings. Sabi ng ilang observers, ang market ng show ay kababaihan at mga estudyante na maaa-ring nasa school pa sa tanghali.

Mas maganda raw ang chances ng Pare-koy kung ilalagay sa evening slot. Marami naman silang shows sa gabi na dapat itapon sa afternoon time slot.