Maswerte si Shaina kay John
By: Master Showman Kuya Germs   From: Pilipino STAR Ngayon
[January 09, 2009]

Very proud si John Prats sa kanilang relasyon ni Shaina Magdayao. Hindi lamang naman siya ang proud dito kundi maging si Shaina rin.

“Never noon inamin ni Heart (Evangelista) na naging kami pero si Shaina never itong itinanggi,” anang aktor na madalas mapagkamalang pabling pero isang one-woman guy pala.

“Nag-date rin kami noon ni Jenny Hernandez pero, never na naging kami. Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon at happy ako na may anak na sila ng isang non-showbiz guy,” dagdag pa ni John na meron na namang bagong palabas sa ABS-CBN, ang Parekoy.

Maswerte si Shaina dahil mabait si John, magaling na artista, masipag ’di lamang sa kanyang career kundi maging sa kanyang negosyo. Papabol talaga.

Pero characteristic s yata ito ng mga Prats children. Maski na si Camille, masipag din at marunong sa buhay. Ang maganda pa sa kanila, buo ang pamilya nila at nagsusuportaha n sa isa’t isa.

Congrats at good luck sa inyong dalawa, magtagal sana at maging permanente ang inyong relasyon.