John at Shaina may intriga!
By: German Moreno   From: Pilipino Star Ngayon
[November 03, 2009]

Bakit ba nababalitang nag-split na sina John Prats at Shaina Magdayao? Kasama ko lang kamakailan si Vina Morales kumain sa labas at napag-usapan pa namin ang dalawa.

Sabi niya, tanggap na tanggap na ng kanyang pamilya ang aktor. Kapag may dinner sila ng family ay iniimbita nila si John at kapag hindi ito makakapunta dahil may taping ay pinadadalhan pa nila ito ng pagkain sa set.

Ganun nila inaalagaan ang mahal ng kanilang kapatid.

Walang alam si Vina sa sinasabing break-up ng dalawa. Ang alam niya, going strong ang relasyon ng kapatid niya at ni John.

For sure, intriga na naman iyan ng mga walang magawa.