Paalam, ‘Parekoy’
By: ---   From: Abante
[April 15, 2009]

Magpaalam na sa April 17 ang Parekoy nina John Prats, Jayson Gainza at Zanjoe Marudo sa ABS-CBN. Ang Parekoy ang pinakaunang programang ipinalabas ng Dos ngayong 2009, at humamig ng mataas na rating.

Sabi nga, binigyan ng bagong klase ng katatawanan ng mga director na sina Randy Santiago at Frasco Mortiz ang mga manonood tuwing hapon.

“We are very proud of the show’s achievements,” sabi ng EP na si Jessa Mae Samson. “We are thankful that viewers appreciate the hard work we have put into this show.

At dahil matatapos na ang nga ang Parekoy, mas marami pang rebelasyon at twists ang isisiwalat.