Parekoy babu na sa ere
By: ---   From: Philippine STAR
[April 15, 2009]

MANILA, Philippines - Matagumpay na naipakilala ng unang komediserye ng ABS-CBN na Parekoy ang pinakabagong TV barkada na kinabibilangan nina John Prats, Jayson Gainza at Zanjoe Marudo, pero sa nalalapit na pagtatapos ng Parekoy ngayong Biyernes, April 17, magkakasama-sama pa kaya ang tatlong makukulit na magkakaibigan?

Anong kapalaran ang naghihintay sa mga kwelang lalaki?

Parekoy ang pinaka-unang programang ipinalabas ng ABS-CBN sa taong ito at patuloy ito sa pagkuha ng magandang ratings. Mabilis nitong nakuha ang atensyon ng publiko dahil sa napakagaling na konsepto kung saan pinagsama ang mga elemento ng isang teleserye sa isang sitcom, ang ‘di matatawarang katatawanan at ang kitang-kita na magandang ugnayan ng mga bidang aktor.

Ang matibay na suporta ng mga respetadong aktor gaya nina Angelu De Leon, Bobby Andrews, Giselle Sanchez, Irma Adlawan, Roy Alvarez, Tetchie Agbayani, Ma. Isabel Lopez, Raymund Concepcion at Dennis Padilla, ang likas na halina ng mga sexy babes na sina Jacq Yu, Samantha Flores, Jem Sevilla at Lovelle Bautista ay malaki ang naitulong sa tagumpay ng programa.

Ang pagbibigay-buhay at direksyon ni Randy Santiago at Frasco Mortiz sa Parekoy ay nagbigay ng bagong klase ng katatawanan sa mga manonood tuwing hapon.

“We are very proud of the show’s achievements,” pahayag ng Executive Producer na si Jessa Mae Samson. “We are thankful that viewers appreciate the hard work we have put into this show.”

Marami pang rebelasyon na twists ang isisiwalat sa huling dalawang araw ng Parekoy.