Parekoy, maghahasik ng katatawanan!
By: Veronica R. Samio   From: Pilipino Star Ngayon
[January 04, 2009]

Humanda na sa paghahasik ng katatawanan ng pinakabagong barkada sa Kapamilya Network, ang Parekoy na mapapanood na sa January 5.

At ang mga maghahasik ay sina PApabol Zanjoe Marudo, REsponsible John Prats, at KOYabol Jayson Gainza. Sundan ang mga nakakabaliw na adventures ng Parekoy at alamin ang lihim na itinatago ng kanilang pagkatao.

Sa direksyon nina Randy Santiago at Quark Henares, ang Parekoy, na unang komediserye ng ABS-CBN, ang magsisilbing ‘bonding time’ ng mga magto-tropa at magkakapamilya tuwing hapon.