"Parekoy" naging breath of fresh air sa afternoon block
By: Nel Alejandrino   From: People's Tonight
[April 16, 2009]

Sayang naman, Ian F., at hanggang Friday, April 17, na lang ang Parekoy, kung saan pinagsama-samang muli sina John Prats, Jayson Gainza at Zanjoe Marudo.

Actually, their comedy knowhow as a trio was discovered sa sitcom na Aalog-Alog, also on ABS CBN.

Possible sanang na-enhance ang kanilang comedy trio with Parekoy. Pero, heto nga at malapit na itong makansela.

But how true is the report na magiging parte na ang tatlo ng sexy comedy, Banana Split?

In any case, para sa akin, ang totoong novelty ng tatlo, bukod sa they have proven that as a trio they have the ability to make people laugh is their being products ng Pinoy Big Brother. Sina Zanjoe at John bilang dating boarders ni Kuya sa PBB Celebrity Edition1 at si Jayson naman ng very first PBB.

In any case, ’di man daw gaanong nagtagal sa ere ang Parekoy, na dinirek nga pala nina Randy Santiago at Frasco Mortiz, natutuwa sila, ayon sa producer nitong si Jessa Mae Samson, na naka-pagbigay ang show sa manonood ng puwedeng ituring na “breath of fresh air to the afternoon viewing public.