Shaina, magaling mag-alaga ng BF
By: Vinia Vivar   From: journal.com.ph
[June 14, 2009]

Natawa na lang si Shaina Magdayao nang tanungin siya ng entertainment reporters sa presscon ng Villa Estrella kung bakit tumataba ang boyfriend na si John Prats.

Ang biruan tuloy, hiyang si John sa magaling na pag-aalaga ni Shaina sa kanya.

Pinapataba ba niya ang aktor?

“Hindi. Malakas kasing kumain ‘yun, eh,” natatawa niyang sagot.

Ipinagluluto niya?

“Hindi naman ako marunong magluto, eh. Hindi, siguro, masaya lang din siya sa nangyayari sa career niya. Ako kasi, ganu’n, eh, kapag may trabaho, du’n ako nananaba.

“Kasi sa bahay, magigising ka 11 a.m., brunch (breakfast and lunch) na ‘yun. Iisa na lang ang meal mo. Pero ’pag nasa taping ka, 7 a.m. nandun ka na, kakain ka na ng breakfast, may lunch, may dinner, may midnight snack pa.”

May mga nagsasabi nga rin daw kay John na magpapayat na ito pero wala raw kasing time na mag-workout ang boyfriend. Kung siya ang tatanungin, okay lang naman daw sa kanya ang weight ngayon ni John.

“Okay lang sa akin. Kahit ano naman, suporta naman ako sa kanya. Kasi nga, grabe rin ang trabaho niya ngayon.”

Samantala, up to now ay hindi masabi ni Shaina kung ilang months na ang relasyon nila ni John.

“Gaya nga ng sinabi ko, sa amin na lang po ’yun. Ibalato n’yo na po,” say niya.

So, ano ang puwedeng itawag sa relasyon nila?

“Ang tawag dito, happiness,” natatawa niyang sagot.