Shaina masyadong selosa kay John
By: Veronica R. Samio   From: Pilipino STAR Ngayon
[April 14, 2009]

Nagiging masyadong selosa yata si Shaina Magdayao sa kanyang boyfriend na si John Prats. It was John himself who informed us during the presscon of Parekoy noon na ayaw siyang payagan ni Shaina na mag-guest sa Banana Split.

Ngayon naman ay pinagbabawalan daw nito ang boyfriend na magkaro’n ng kissing scene. Ganun? Maaapektuhan naman ang trabaho nito. Eh si John, walang bawal sa dalaga kasi naiintindihan ng bf ang kanilang trabaho. Bakit siya hindi?

Alam kaya ni John na medyo magpapa-sexy uli si Shaina sa Kambal sa Uma? Kung hindi pa, hindi siya ang tipo ng lalaki na hahadlang sa growth bilang aktres ni Shaina. Sana maging ganito rin kalawak ang isip ng aktres.