Shaina nakuha sa kuwento ni John
By: Veronica R. Samio   From: Pilipino Star Ngayon
[January 04, 2009]

Bagama’t sinabi ni John Prats na hindi niya niligawan si Shaina Magdayao, hindi na siya nagdi-deny na meron na silang relasyon.

“Kwentuhan lang kami nung una, kwentuhan na madalas ay inaabot ng umaga, ganung ligawan. Pero, bago ko siya niligawan, inalam ko muna kung may relasyon sila ni Rayver Cruz. Wala raw. Ganito rin naman ang sinabi sa akin ni Rayver. Magkaibigan kami, ’di lamang magkasama sa isang dance group.

“Nang magtagal-tagal nagbibigayan na kami ng favorite naming ringtones.

“Si Shaina selosa ’yan, ayaw niya akong payagang mag-guest sa Banana Split dahil puro babae raw dun. ’Di rin siya payag na magpahalik ako kay RR (isa sa mga mainstays ng show).

“Ako, hindi seloso, wala akong dapat ipagselos dahil si Shaina suplada sa ibang guys kung may karelasyon,” pagtatapat ng young actor who has a new show, ang Parekoy na magsisimulang mapanood sa Enero 5, sa ABS-CBN, pagkatapos ng Wowowee. Kasama niya sina Zanjoe Marudo at Jayson Gainza.

Iba ang tawagan ng dalawa, bilbil kay John at Bisaya naman kay Shaina.

Minsan may lumabas na news na nagpalaki raw ng boobs si Shaina. Ito ang tumawag kay John para lang magtanong kung naniniwala ba ito.

“Natawa lang kami pareho sa balita pero, hindi ako naniwala. Si Shaina pa, eh takot ito sa injection,” sabi ni John.

Kung noon ay ayaw pang umamin ng dalawa sa kanilang relasyon, ewan ko kay Shaina pero, si John ay proud na aminin na may relasyon silang dalawa at proud siyang sabihin na mahal na mahal niya ito.