Shaina Magdayao talks about ‘exclusively dating’ John Prats
By: Bernie Franco   From: ABS-CBN website
[January 03, 2009 ]

Para kay Shaina Magdayao, ang kahulugan ng mayroong lalaki na kanyang ine-exclusively dating ay may dadalaw sa kanya sa Pasko. Ang tinutukoy ng dalaga ang nalilink sa kanya na si John Prats na kasamahan niya sa dating dance group UD4.

Inulit din ni Shaina na wala siyang dine-date bukod kay John. Technically, wala pa raw nagiging boyfriend si Shaina kung kaya’t kapag nagkataon ay si John ang kanyang first. Pero nilinaw niya na hindi pa sila magkasintahan at hindi naman umano sila nagmamadali, lalo na sa side ng dalaga. “Marami pang things to discover between us. Mahirap ang padalos-dalos. Hindi naman siguro mapapadali ang buhay ko sa mundo, kaya siguro marami pa po akong time,” ani Shaina.

Ano ba talaga ang mga katangian ni John na nagustuhan ni Shaina? “Mabait kasi siya sa pamilya niya,” sagot ni Shaina. “Ako, hindi ko naman kasi tinitingnan ‘yung showbiz side. Tinitingnan ko ‘yung mas pagiging totoo nung tao kesa sa showbiz reasons. Kaya naman po ako narito sa showbiz kasi, for myself at saka for my family. ‘Yun lang ang pinaka-mentality ko. ‘Yung pagiging totoo niya pong tao.”