Shaina Magdayao says relationship with John Prats is still strong despite limited time for each other
By: Rose Garcia   From: pep.ph
[June 12, 2009]

Ayaw namang sabihin ni Shaina kung gaano na katagal exactly ang relasyon nila ni John Prats. Aniya, sa kanila na lang daw yun but they are still okay.

Paano nga ba nila napapanatiling matatag ang relasyon nila?

"Yun nga, hindi kami nagkikita at kahit pamilya ko nga po, hindi ko nakikita ngayon, siya pa po kaya? Pero the communication will always be there. It has to be there para maging strong yung relationship."

So, mas okey ba yung hindi sila madalas magkita?

"Wala naman sa ganoon... Sa pag-handle n'yo lang yun [ng relationship]. Parang dapat, tanggapin namin, e. May trabaho kami pareho and we have to work, like ako, for my family and for the businesses."

Nag-aaway ba sila?

"Ayaw na po kasi niya ng away, e!" natatawa niyang sabi. "Wala... Kailan ba ang last? Parang waste of time kasi kung mag-aaway pa kayo. Sa init ng ulo n'yo sa trabaho, wala na kayong tulog, mag-aaway pa ba kayo?"

Naiintindihan ba ni John ang pagiging sobrang busy ngayon ni Shaina?

"Siya rin, e. Paalis ako ng bahay, sasabihin naman niya, pauwi pa lang daw siya. But it's good, at least, di ba?"

Open na sa pamilya ni John ang relasyon nila ni Shaina. Welcome at love siya ng mga ito. What about on her side, kumusta naman ang pagtanggap ng pamilya niya kay John?

"So far, okey naman po siya sa pamilya ko. Huwag lang siyang magkamali at baka maipasok ko siya sa Villa Estrella!" biro niya.

May mga bago ba siyang na-discover kay John?

"Ang alam ko, palagi naman siyang very good in treating women. Yun naman ang ever since alam ko about him. Huwag lang siyang magkamali mangaliwa!" tawa niya ulit.

Sino ang mas nagseselos sa kanila?

"Ako kasi, selosa ako pagdating sa pamilya ko. Grabe akong makaprotekta sa pamilya ko dahil sobra kong nahe-hurt. With John, wala pa naman akong nae-encounter na... Ay, wait lang ha! Kasi nga, I mean, parang this is part of our work. Nakikita naman niyang marami naman akong kasamang magtrabaho. Marami rin naman siyang iba-ibang klase ng taong nakakatrabaho, di ba?"