The boys of Parekoy!
By: Jinny   From: PinoyParazzi.com
[January 23-25, 2009]

Sino ang nagsabing dominante ng Tagalog dramaserye at Mexican telenovela ang hapon ninyo araw-araw? Puwes, hindi na ngayon, dahil noong Enero 5 ipinalabas ang nag-iisa at kakaibang komediserye na babago sa inyong afternoon habit, ang Parekoy.

Pinangungunahan ng tatlo sa pinakacute na mga lalaki sa industriya, susubukan nila John Prats, Zanjoe Marudo at Jason Gainza na tayo’y patawanin at aliwin sa kanilang kakaibang uri ng teleserye sa hapon. Kung dati ay natawa kayo sa mga kuwelang pakulo ng mga cast ng Palibhasa Lalaki, parang ganito rin ang palabas na ito pero minus ang basaan ng tubig sa huli dahil ang totoo ay may sinusundan itong istorya.

Ano pa nga ba ang mahihiling natin sa bagong komediserye na ito? May cute hunks ka na punung-puno ng sense of humor, may kuwento ka pa! Kaya’t sundan natin ang nakakaaliw na pangyayari sa bawat buhay ng ating mga bida at ang kanilang weirdong pamilya sa Parekoy!