Tugon ni John sa reklamo ng isang businesswoman
By: Tonee Coraza   From: People's Taliba
[April 24, 2009]

Nilinaw ni John Prats sa presscon ng Precious Hearts Romances Presents The Bud Brothers series ang alegasyon ng businesswoman na si Mikaela Bilbao ng Philo-sophy by Mikaela Advanced Aesthetic Center na kesyo pinilit daw ng company nilang ituloy ang pagpapatayo ng malaking billboard ng Philosophy sa SLEX kahit pa nag-backout na ito sa deal dahil sa naging away nito with his manager, Arnold Vegafria.

“Hindi totoo ‘yan. Isinauli naman nang bu-ung-buo ang perang ibi-nigay niya sa amin. Pati ‘yung mga nagawa na naming tarpaulins ng Philosophy ay ibinigay rin namin sa kanya lahat. Kami pa nga ang lugi kung tutuusin, pero okey lang because we don’t want anything to do with her in the first place,”maanghang na pahayag ni John.

Walang reaksyon si John sa pasaring ni Mikaela na ibibigay na lang daw nito ang mga ginawa nilang tarpaulins sa mga taga-Payatas para magamit na bubong sa bahay ng mga ito.

“Wala na kaming pakialam kung ano man ang gusto niyang gawin sa mga tarpaulins na ‘yun na ibinigay na namin sa kanya lahat nang libre,” tugon ni John.

Hindi raw kawalan sa company nila ang account ng Mikaela dahil sa account palang nila na Bench ni Ben Chan ay kumikita na sila nang sobra-sobra.

Sila ang exclusive na tagagawa ng lahat na naglalakihang tarpaulin billboards ng Bench na nakikita everywhere in the Philippines and worldwide!

Sosyal!

Napataas tuloy ang kilay namin sabay ungkat kay John sa isa pang intriga na kesyo mas successful daw ang GF ni-yang si Shaina Magdayao kaysa sa kanya kung dami ng negosyo ang pag-uusapan.

“Shaina and I are not competing with each other. Nagtutulungan pa nga kaming dalawa sa businesses namin as far as referrals are concerned. Hindi na rin namin iniintindi kung sino ba ang mas kumikita sa aming businesses. Ang importante, pareho kaming masaya with each other,” nakangiting pahayag ni John.