Uso na na "Parekoy"
By: Chit Ramos   From: Tiyempo
[January 21, 2009]

Masayang-masaya na naman si John Prats. Nagre-rate nang husto ang kanyang ‘Parekoy’ with Zanjoe Marudo and Jason Gainza.

Ang ganda kasi ng time slot nito. Right after ‘Wowowee.’

Kahit sa aming probinsya, ang daming barkadakan na tawag sa isa’t isa ay "Parekoy" na. No kidding. Nang umuwi ang Tiyempo sa Botolan (Zambales) last week, sa hapag ng inuman nina Pareng Jun, Kawil, Aris, Izon at Ted, tumataginting na "Parekoy" ang tawag nila sa isa’t isa. Hindi yata nila pinalalampas ang bawa’t episode ng sitcom mula Lunes hanggang Biyernes.