JOHN PRATS AT JOHN LLOYD CRUZ, MALALIM ANG HIDWAAN?!
By: Ogie Diaz   From: pinoyparazzi.com
[February 2, 2010 ]

Mukhang matatagalan bago magkabati sina John Prats at John Lloyd Cruz. Kausap kasi namin si Prats bago mag-ASAP at ang sabi niya sa amin, ‘pag nagkikita sila ni Lloyd ay nagkakatanguan lang sila, that’s it.

Pero ‘yung tsikahan pa or anything, wala na raw. “Para ano? I mean, hindi na lang ako papatol, Tito Ogs!”

Me gano’ng factor, ha? Oh, well… pareho naming “anak-anakan” sina Pratty at Lloydie, kaya sana, wish lang namin na magkabati sila.