‘Drink moderately’
By: Vinia Vivar   From: journal.co.ph
[March 28 2010]

Ayon kay John Prats, naka-move-on na raw siya sa breakup nila ni Shaina Magdayao at okay na raw siya ngayon although he admits, at first ay talagang nahirapan siya.

“Nung nangyari ’yun (the breakup), napakahirap. Stages ’yan, eh. But nandito na ako sa stage na parang accepted ko na. Na wala naman akong choice but to be okay,” say niya nang makapanayam namin siya sa grand launch ng TV5.

Last December pa sila nag-split pero up to now ay kontrobersyal pa rin ang kanilang hiwalayan dahil nga nakadikit ang pangalan ni John Lloyd Cruz na diumano’y third party. Although nag-deny na ang lahat ng parties involved, hindi pa rin tumitigil ang issue lalo pa nga’t lalong lumalaki ang balitang sina Shaina at Lloydie na nga ngayon.

“Wala po akong alam tungkol diyan at gusto ko talagang paniwalaan na walang third party,” he said.

Nakakarating ba sa kanya ang mga balita ngayon tungkol kina Shaina at Lloydie?

“Oo naman, may nababalitaan naman ako, and kung may gawin ka naman o hindi ka man gawin, wala rin namang mangyayari, eh. Dumating nga sa point na ang daming nagsasabi na kung sasapakin ko raw (si John Lloyd), ganito-ganyan, but hindi kasi ako ganun’g tao, eh. Kasi naniniwala ako na ’pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.”

Wala ba siyang balak na kausapin si Lloydie?

“Eversince naman hindi kami ’yung speaking terms talaga, hi-hello lang talaga kami at never naman kaming naging close.”

Ano ang reaksyon niya sa tsismis na laging umiinom si Shaina kasama si John Lloyd?

“Drink moderately,” natatawa niyang payo. “And don’t drive while you’re drunk,” dagdag pa niya.

Nung time raw na sila pa, occasionally naman daw ay umiinom na si Shaina.

“May mga times na kasama niya friends niya, and I allow that, ako kasi, hindi ako lumalabas, eh,” say pa ng aktor.

Sa ngayon ay wala raw siyang nililigawan at gusto na raw muna niyang ilaan ang oras para sa sarili dahil nu’ng time raw nila ni Shaina, lahat ng oras niya ay nauubos sa young actress.

Ano ang message niya for Shaina?

“Well, stay happy and ang lagi kong sinasabi sa kanya, alagaan niya ang sarili niya dahil wala namang ibang mag-aalaga kungdi siya lang,” makahulugang sabi ni John.

Message niya for John Lloyd? Alagaan si Shaina?

“Oo, dapat, dapat. Kasi, grabe rin ang alaga ko sa taong ’yun.”