JOHN LLOYD CRUZ AT JOHN PRATS, NAG-IWASAN SA GAWAD TANGLAW?!
By: Morly Alinio   From: pinoyparazzi.com
[March 5, 2010]

Nag-deadma-han sina John Loyd Cruz at John Prats sa nakaraang Gawad Tanglaw na ginawa sa Jose Rizal University sa may Mandaluyong. Si John Lloyd ay nanalo bilang Best Actor para sa pelikulang In My Life habang sina John Prats kasama sina Jason Gainza at Zanjoe Marudo para naman sa Best Comedy Show (Banana Split).

Ilang silya lang ang pagitan nina John Lloyd at John Prats sa isa’t isa, pero walang batiang namagitan sa dalawa.”Okey naman kami, wala namang problema,” sabi naman ni John Prats nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Kung matatandaan, sina John Prats at John Lloyd ay dating beso-beso friend, dahil nagkasama ito sa programang Keybol, pero nasira ang friendship na iyon kamakailan nang pumutok ang balita na si Lloydie ang dahilan nang hiwalayang Shaina Magdayao at John Prats.

Kung paniniwalaan kasi ang balita, may tagong relasyon sina John Lloyd at Shaina na siyang ipinagpuputok din ng kalooban ni Ruffa Gutierrez na sinasabing “lihim” ding karelasyon ni John Lloyd.

Natapos na kamakailan ang “awayan” nina Shaina at Ruffa dahil pinag-usap sila ng ABS-CBN na ang ending ay kapwa hindi raw nila alam kung paano lumaki ang “gulo” sa pagitan nila, kung saan sinasabing nagpalitan umano sila ng mga maaanghang na text messages sa cellphone.

At sa Gawad Tanglaw nga kamakailan, obvious na nag-iiwasan sina John Lloyd at John Prats, dahil sa kanilang ikinilos na para bang hindi sila magkakilala samantalang dati silang bestfriends.