John Prats denies he snubbed John Lloyd Cruz
By: Bernie Franco   From: abs-cbn.com
[March 08, 2010]

Sa balitang nag-isnaban umano sina John Lloyd Cruz at John Prats sa ginanap na Gawad Tanglaw kamakailan ay sinabi ni John na walang katotohanan ang nasabing isyu. “Nagkita kami. Wala naman kaming problema,” anang actor-dancer at sinabi rin na nakapag-usap sila ni John Lloyd sa nasabing event. Nagkaka-isyu ngayon ang dalawa dahil pareho silang linked kay Shaina Magdayao. Recently ay nag-break up sina John at Shaina at nali-link naman ngayon ang aktres kay Lloydie na tila shoulder-to-cry-on niya.

Sa POV (Points, Opinion and Violent Reactions) ng The Buzz kahapon sinabi ng host na si Boy Abunda na naniniwala siyang walang katotohanan na hindi nagbatian sila Lloydie at John sa nasabing event dahil wala umano ito sa kanilang personalidad.

Ipinagtanggol naman ni Ruffa Gutierrez si Lloydie at sinabing, “JL (John Lloyd) is not the type naman din na mag-snub ng tao. I think if he sees him, babatiin din naman niya.” Dagdag pa ni Ruffa maaaring ang nangyaring isyu ang naging dahilan upang sila ay magkailangan subalit hindi siya naniniwalang magkaaway na sila.

Kung nagbatian man daw sila kahit may isyu ay hindi naman maituturing na nag-plastikan lang sila, dahil ayon kay Kris Aquino ito ay pwedeng ikonsiderang “good manners.”