John Prats reveals he felt Shaina Magdayao was ‘The One’
By: Julie Bonifacio   From: abs-cbn.com
[April 01, 2010]

Grateful si John Prats na during the time na nagdurugo ang puso niya dahil sa break-up nila ni Shaina Magdayao ay sobrang busy siya sa kanyang career. Hindi raw niya ma-imagine kung ano ang gagawin niya para mabilis na malimutan ang sakit sa puso na pinagdadaanan niya that time. “Alam mo grateful ako nu’ng nangyari ‘yun. Busy ako, marami akong ginagawa. So, occupied ako with my work,” umpisa ni John.

Mas mabilis daw ang pag move on ni John dahil na rin sa malalapit na kaibigan at pamilya. Ano ang binigay nila na advice sa kanya? “That’s life. You don’t have a choice. Lagi nilang sinasabi wala ka namang choice d’yan, e. Hindi, actually, may choice ka. Dalawa lang ‘yan. It’s either sirainmo ang buhay mo o mag-move on ka na lang. Siyempre doon ako sa mag-move on. Alangan namang sirain ko ang buhay ko (dahil kay Shaina).”

Hindi naman daw umiyak si John noon pero sobrang mahirap sa kanyang kalooban ang nangyari sa kanila ni Shaina. “Hindi ako umiyak. Ano lang, kasi, sobrang nalungkot ako pero hindi ako umiyak.” Saan siya humugot ng lakas ng loob para tanggapin ang nangyari sa relasyon nila ni Shaina? “Wala, realization each day, eh. Each day na dumadaan sa ‘yo naa-accept mo siya paunti-unti, eh. Although, mahirap talaga. Ano kasi, iniisip ko na siya ‘yung pakakasalan ko. ‘Tsaka iba na, magpapatayo na ako ng bahay . . . buti na lang hindi ko pa naitayo. Sa Sun Valley, sa may Antipolo, sa bundok. Taga-bundok ako, e. Nabili ko na ‘yung lupa, bahay na lang ang itatayo. At least ngayon, I’m gonna design my house for myself. And kung sinuman ang magiging partner ko. Mabuti na lang at hindi pa naitayo bago nangyari ang lahat. Kasi siyempre unfair naman sa magiging asawa ko.”

Aminado si John na nagusap na sila ni Shaina sa mga bagay na ganito kaya’t malungkot nga ang kanilang hiwalayan. Payag ba siya na makapagusap pa rin sila ni Shaina ng masinsinan para magkaroon sila ng closure? “Okay na. Okay na kami. Ganito na kami. But I’m open for friendship.” Masasabi ba niya na itong relasyon niya kay Shaina ang pinaka-nasaktan siya sa break-up? “Lahat naman, e, nasaktan ka rin naman kapag break up. Hindi siya pinakamatindi pero ah, masakit. Iba-iba ng level, eh, pero masakit. Hindi ko masabi na pinaka-nasaktan ako kasi iba-ibang level ng sakit.” Na-trauma na ba siyang magmahal? “Ay, hindi. Hindi ka naman pwedeng tumigil magmahal. Siyempre kailangan natin ng love.”

Yung nangyari daw kay Shaina made John stronger. Anu-ano naman ang magagandang memories ang maalala niya nu’ng sila pa ni Shaina? “Marami, maraming napakagandang nangyari sa relasyon namin,” sagot ni John. “We went to Hongkong together with the family. Ah, everyday, everyday naman ng buhay namin special. Lahat naman and spending time with her family and my family.” Nagsolian ba sila ng mga regalo nila sa isa’t isa? “Ay, hindi. Hindi naman ako ganu’n. Siyempre for keeps din ‘yun. Dahil nu’ng binigay naman niya sa akin ‘yun, nu’ng binigay ko sa kanya ‘yun, gusto naman naming ibigay sa isa’t isa. “

Handa na ba siyang magmahal ulit? “Yes, next year. Feeling ko next year. Wala pa nga, e. Kasi parang not this year, definitely. Kasi ang daming out of the country this year, so, parang walang time para ma-in love. Kay Sarah (Geronimo), two months na concert niya sa States. Itong May ang alis namin. Tapos may Europe, may San Francisco kami ng ‘Parekoy.’ Work, work ‘yan.” Hindi kaya one of his trips ay may makilala siya na ibang babae na kapalit ni Shaina sa puso niya? “Baka,” ngiti ni John. “Baka mag-stay ako sa States. Baka may makilala ako doon. Hahaha!” Sabi nila, posible raw na may darating na better girlfriend sa buhay niya. Agree ba siya rito? “Why not? Ako naman kasi never naman ako’ng nagkukumpara ng mga ex, ng mga ganyan. So, kung mayroong bago that’s a totally different person. And I think I have to love that person kung ano talaga siya,” tapos ni John.