Shaina Magdayao iniwan ni John Prats dahil nangaliwa?
By: Ceasar Pambid   From: punto.com.ph
[February 17, 2010]

Sobrang party animal daw pala itong si Shaina Magdayao kung kaya kinainasan at iniwan siya ni John Prats. Truth is now out na si John ang nang-iwan kay Shaina dahil nga sonbrang sinungaling pa raw ng kapatid ni Vina Morales.

May kinalaman daw ang ang madalas na pag-attend ng party at paggimik ni Shaina Magdayao kung bakit nga sila naghiwalay ni John Prats.

Napikon na raw si John dahil madalas ay wala raw sa bahay ang girlfriend niya. Kung wala man ito sa party ay nasa gimikan naman daw ito.

Hindi rin daw nagustuhan ni John ang paglilihim ni Shaina tungkol sa kanyang paglabas-labas sa gabi. Minsan kasi, tinanong niya kung nasaan ang dalaga. Sumagot naman daw ito na nasa bahay lang siya. When John checked kung nasa balaysung nga ito, he was utterly surprised na wala naman pala ito sa kanila.

At dahil nasukol na siya, umamin daw si Shaina na nasa labas nga siya together with some friends.

Kahit na may image na isang party animal, wala naman daw kahilig-hilig itong si John na um-attend ng mga party na siyang kabaligtaran naman ni Shaina.

At nang hindi na raw magkasundo, si John na mismo ang nakipaghiwalay sa nakababatang kapatid ni Vina Morales.

How sad!

So far that’s the other side of the story sa hiwalayan ng dalawa.

Surprisingly, yung tungkol naman daw sa kanila ni John Lloyd Cruz ang dahilan sa hiwalayan. Kumbaga, lumalabas na pinendeho ni Shaina si John Prats kaya naghiwalay sila.

Isa pang anggulo ng istorya, gumanti lang daw si Shaina dahil nga unang nambabae si John Prats. Nahuli raw sa akto ni Shaina si John and that was the beginning of the trouble with the love affair of the two.

Alin nga kaya’ng totoo. Sa amin kasi, mukhang sanitized version yung una, yung tungkol sa gimik ek.

Alin nga ba? Kasali kaya yung pagiging lasengga ni Shaina sa paghihiwalay nila ni John Prats?