Shaina-John Lloyd, pinagtatawanan na lang ni John Prats!
By: Ruel Mendoza   From: Abante
[April 06, 2010]

Dinadaan na lang sa biro ngayon ni John Prats ang nangyari sa relasyon nila ni Shaina Magdayao.

Nga yon kasi na mukhang out in the open na ang tungkol kina Shaina at John Lloyd Cruz, tanggap na ito ni John at puwede na raw niya itong pagtawa nan na lang.

“Nobody can say naman that I didn’t try to save our relationship,” sabi ni John.

“Alam ‘yan ng mga pamilya at mga kaibigan namin. I did my best and now, no regrets sa nangyari sa amin ni Shaina. Puwede ko na siyang pag-usapan at ngitian,” dugtong na sambit pa ni John.

Kung noon daw ay nasasaktan si John tuwing nababanggit ang pangalan ni John Lloyd sa usapan tungkol sa nasira nilang relasyon ni Shaina. Ngayon daw ay kaya na niya itong tanggapin at gawan pa ng joke.

“Akala mo nga na fairy tale ang ending naming dalawa. ‘Yung happily ever after. Hindi pala totoo sa lahat iyon. May binabagayan pala iyon. At hindi para sa amin ni Shaina iyon. “Yung tungkol naman sa kanila ni John Lloyd, accepted ko na iyon. Like what I said, I can laugh at it na lang at gawan ko ng biro.

“May nagtanong nga sa akin na if ever aksidente kaming magkita ni John Lloyd, ano ang gagawin ko?

Ang sagot ko, ‘Magpapa-picture ako sa kanya at hihingi ng autograph!’ Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni John.

Inamin nga ni John na kahit na iisang network sila ni John Lloyd ay never daw silang naging close.

“Nagkikita lang kami sa studio at sa ilang guestings pero we were never close. In short, hindi naman kami friends. Hindi kami chika! Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa niya ulit.

“May nabasa nga ako na sasapakin ko raw si John Lloyd kapag nagkita kami. Naku, hindi ako bayolenteng tao. Hindi ako magre-resort sa ganu’ng kilos lalo na kung alam ko na ako ang lalabas na masama.

“Maganda na ang pakiramdam ko because I’ve move on na. Kumbaga, harapin na natin ang bagong buhay. Kakatapos lang ng Easter kaya it’s a new life kaya tanggapin na natin ‘yan.”

Noong mag-show nga ang ASAP sa Boracay ay nahuli raw si Shaina na tumitingin-tingin kay John habang nagre-rehearse ito ng sayaw. ‘Yung para raw gusto siyang lapitan pero nagdadalawang-isip daw si Shaina.

“Talaga? Baka nagustuhan niya ang tan ko! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Hindi ko alam ‘yan kasi noong nasa Bora kami, trabaho ang inasikaso ko. Wala akong time na mag-emote sa beach. Tsaka hindi rin naman kami nagkausap kaya it’s okay.

Isa na nga sa mga non-exclusive stars ng TV5 si John at kabilang siya sa tatlong prinsipe ng primetime ng Kapatid network.