John, Kontento na sa Takbo ng Career!
By: Joey Diego
From: Teenstars Mag   [December 1, 1999]


    At this point, wala na sigurong mahihiling pa ang tinaguriang young AGA MUHLACH na si John Prats. Naalpasan na nga niya ang kapatid na si Camille Prats at kung papansinin, masasabing mas nakaka-angat pa nga siya sa kapatid. Pero ibang level naman ngayon ang career na tinatahak ng kapatid niyang si Camille.

    Paborito nga siya ng Dos, halatang mas binibigyan siya ng break sa iba niyang kasabayan. Para nga raw siyang si Marvin Agustin na sa una ay hindi pinapansin pero dahil nakitaan ng potensyal, tuluy-tuloy ang ginawang pag-push sa kanya ng mga taong humahawak sa kanya. Ganito rin halos ang pattern sa takbo ng career ni John. Hindi lang boy-next-door ang packaging sa kanya ngayon, kundi young dramatic actor na minsan na rin naman niyang napatunayan nang ma-nominate siya sa nakaraang Star Awards for TV bilang Best Dramatic Actor in a Single Performance.

    "Kaya nga nagpapasalamat ako sa lahat ng naniniwala sa akin especially sa mga taong nagbigay sa akin ng break. Wala na akong mahihiling pa although, hindi pa naman nakokompleto ang pagiging aktor ko."

    "Marami pa akong dapat mapatunayan, marami pa akong plano para sa career ko, pero siguro sa ganda ng takbo ng career ko ngayon ay dapat siguro kahit papaano eh, makontento na ako!" say pa ni John anng bisitahin namin sa shooting ng bago niyang pelikula under Star Cinema na "Bata, Bata, Hindi Kita Ginawa."

    Speaking of the movie, kasam niya ang King of Comedy na si Mang Dolphy, first time na nakatrabaho ito ni John kaya naman hangang-hanga siya sa magaling na komedyante.

    "Idol ko nga rin siya dahil ang galing-galing niya. Marami kang matutunan sa kanya dahil sa bukod sa napaka-galing niyang aktor, magaling pa itong makisama. Kahit nga kaming mga bagets ay pinagtutuunan niya ng pansin. Magaling siyang mag-alaga, lagi niya kaming inaalala, kung nakakain na ba o kung wala ba kaming problema sa shooting."

    "Natutuwa po ako dahil napasama ako sa pelikulang ito. Nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Tito Dolphy kaya naman masayang-masaya ako," say pa ni John sa amin.

    Bukod sa magandang pelikulang ginagawa niya ngayon, may plano pa rin ang Star Cinema na i-launch siya sa susunod na taon, kaya nga nakapila na ang pelikulang gagawin niya sa naturang produksyon?

    "Actually, nagkaroon na rin naman ako ng contract sa kanila noon, pero natapos at natapos ang kontrata ko sa kanila pero wala man lang akong nagawang pelikula. Ngayon, sa pagpirma ko uli sa kanila, heto't sunud-sunod naman ang gagawin ko, kaya tuloy lalo akong ginaganahang mag-trabaho."

    Dati-rati, sobra sa eight hours ang tulog niya, pero ngayon, kulang talaga siya sa tulog sa dami ng kanyang ginagawa. Paano niya naa-adjust ang kanyang sarili?

    "Nu'ng una, medyo mahirap, kailangan kong gumising para gawin 'yung mga commitments na kailangan mong gawin at puntahan. Okay lang 'yun dahil kaya naman ng resistensiya ko. Binabawi talaga ako sa pagkain para di ako manlambot. Mas okay na ito kaysa naman na-kompleto nga ang tulog mo o sobra, sobra pa, pero wala ka namang trabahong ginagawa."

    Nakaipon na rin ba siya?

    "Si Mommy ang nag-iipon para sa akin may mga plano akong bilhin sa darating na araw, pero ang una kong plano ay makabili ng sarili kong bahay at 'yung pinapangarap kong sasakyan. Kaya nga nag-iipon ako para matupad ko 'yung dream ko."

    Mayroon na silang bahay at sasakyan pero bakit 'yun pa rin ang gusto niyang bilhin?

    "Hindi ko sarili 'yun although, may share rin naman ako. Mas gusto ko 'yung sariling kong investment. 'Yung masasabi kong galing sa hirap at pagod ko. 'Yung puwede kong ipagmalaki sa magiging pamilya ko na ito 'yung pundar ko sa pagiging artista. Magandang plano rin ito sa magiging future ko na kung sakaling lumagay sa tahimik, may matitirhan na ang magiging pamilya ko," seryosong sabi pa sa amin ng alaga naming bagets.

    Ano naman ang ideal age para sa kanya na mga-asawa?

    "Kung financially stable ka na at the age of 35, puwede na 'yun, pero kung hindi pa rin handa, siguro mga late 40's."

pAy! Ang tanda mo na nu'n ha?

    "Yun naman, eh, kung hindi ka pa pa talaga nakakaipon para sa pag-aasawa, pero kung dumating ka sa age na 30 at sa tingin mo'y kaya mo ng bumuhay ng pamilya, then why not. Mas matured ang utak mo, mas maganda, di ba? Kumbaga, mas responsible ka na nu'n," matalinong sagot pa ni John sa amin.


list all articles