Flattered to be the next "Patrick Garcia"
In just a short span of time, nakilala nang husto si John Prats, ang bagets na tinagutiang 'little Aga Muhlach' dahil sa pagiging cute at tila hawig na hawig ang charm niya sa poging endorder ng Jollibee at ACA Video. Kung susuriin, arrive rin naman ang guwapong binatilyo dahil kailan lang ay napansin ang kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya bilang isang drug addict. Napansin na may itinatagong galing din pala ang kapatid na ito ni Camille. Na hindi lang siya basta miyembro ng JCS kundi may potensyal din siyang makilala bilang isang mahusay na batang aktor. Ikinukumpara nga siya ngayon kay Patrick Garcia at posible rin daw siyang maging Golden Boy of Philippine Cinema dahil nasa aura niya ang matinee idol at siyempre pa, magaling na aktor. Sa hanay ng mga sumisibol na kabataang artista ngayon, isa siya sa napipintong kikilalanin nang husto sa pagdating ng kanyang panahon. "Masaya nga po ako dahil kahit na paano ay napapansin nila 'yung acting ko. Nu'ng una nga akong nabigyan ng break, kabadung-kabado ako dahil first time kong gagawa ng isang heavy drama role. Parang feeling ko nga noon ay hindi ko kaya, mabuti na alng, mabait 'yung director ko, si Direk Gilbert Perez na talaga namang napaka-supportive sa akin." "Sa totoo lang, biglang-bigla 'yung pagdating ng role, hindi ko talaga inaasahan, hindi ako nakapaghanda dahil biglaan talaga 'yun. Buti na lang, naintindihan nila na bago pa lang talaga ako sa ganu'ng sitwasyon kaya talagang inalalayan nila ako kapag sumasablay ako sa eksena." Pero lumalabas na maganda ang kanyang performance kaya napansin siya pati na ng PMPC na kung papalarin ay baka ma-nominate din siya sa darating na Star Awards for TV? "Masaya talaga ako kung mnagyayari 'yun. Actually, sabi nga sa akin, ni-review nga raw 'yung acting ko du'n sa Maalaala para sa Star Awards for TV. Natutuwa ako dahil first drama exposure ko 'yun, tapos napansin pa 'yung ipinakita ko roon. At kasi kahit hindi ako manalo doon, 'yung ma-nominate lang ako ay malaking bagay na 'yun sa akin. Siyempre, proud na proud ako kung sakali," say pa ni John sa amin. Nasa kanya raw ang focus ngayon ng mga fans, marami kasi ang naniniwalang siya ang papalit sa tronong pinagharian ni Patrick Garcia, any comment? "Maganda rin naman 'yung inihahambing ako sa kanya dahil kilala na at sikat na ngang husto si Patrick. Pero siyempre, mas gusto kong makilala ako as John Prats, hindi lang bilang kapatid ni Camille, kudi bilang ako. Na may talent din naman at hindi bilang anino ni Patrick. Flattered ako kapag sinasabi nilang ako ang susunod sa yapak ni Patrick, pero para sa akin, mas gusto kong makilala bilang ako at dahil sa sarili kong kakayahan," madiin pang sabi ni John sa amin. Itinatambal siya ngayon kay Sarah Christophers, ang bagong miyembro ng Star Circle Batch 8 na kasali sa programang Munting Paraiso. Sa dinami-rami ng mga babaing hinanap para maging permanent loveteam niya ay mukhang dito lang talaga siya bumagay, may reaksyon ba siya dito? "Okay naman sa akin si Sarah, marami nga ang nagsasabing bagay nga kami. Kasi nu'ng magtambal kami sa ASAP last Sunday, marami ang nagsabi na maganda nga raw 'yung chemistry namin. Para sa akin, maganda si Sarah, mabait, saka malambing. Pero bata pa kasi siya, she's only 13, eh ako 15 na, pero bagay pa rin, di ba?" May gagawin nga pala siyang pelikula sa Star Cinema at siya mismo ang pinapili kung sino ang gusto niyang makapareha. At si Sarah nga raw ang inirekomenda niya, toto ba 'yun? "Ah oo, totoo 'yun! Kasi sabi nila bagay daw kami. Saka feeling ko talaga ay magkakasundo kami dahil sa bukod sa mabait ay maganda pa. Bagay nga kaming maging loveteam, kaya sana suportahan kami ng mga fans." "I still don't know kung anong movie 'yung gagawin namin. Pero siya talaga pinili ko para maging kapareha ko." So, tuluy-tuloy na pala itong team-up nila ni Sarah? "Oo naman, maybe one of these days ay magkaroon kami ng formal launching sa ASAP at ngayon pa lang excited na talaga ako!" Kung si Sarah nga ang naging personal choice niya, ano ba talaga 'yung nagustuhan niya rito? "Yung kasimplehan niya, maganda saka mabait. Madaling makagaanan nang loob saka sa tingin ko ay magkakasundo talaga kami." Baka naman ligawan din niya ito? "Hindi muna ngayon, mga bata pa kasi kami. Pero ayokong magsalita ng tapos, mahirap na, let's just cross the bridge when we get there!" patawa-tawa pang pagtatapos sa amin ni John. |