John Prats, A Song for Joyce
By: Julie E. Bonifacio
From: Movie Flash Magazine   [July 27, 2000]


    Wala pa lang balak ipaalam ni John Prats na crush niya ang anak ng Megastar Sharon Cuneta na si KC. Nagulat tuloy siya nang kunin ang reaction sa lumabas na diumano ay ginagamit niya si KC.

    "Actually, nauna 'yan sa manager ko lang sinabi. Ayaw ko nga sanang sabihin. Kaya lang ang kulit ni Tita Kris (Aquino) sa show niya. Tapos sinabi niya roon sa isang writer."

    "Tapos nilagay naman nung writer sa isang board. So, tinanong sa akin. Kaya doon na nag-start. Pero wala talaga akong balak i-broadcast. Eh, nasimulan na. Sabi ko nga kay Tita Kris, Eh, nasimulan mo."

    "Handa naman akong harapin. Actually, hindi ko naman ginagamit si KC. Hindi naman ako ganoon. Nakita ko siya sa "Madrasta". Kasama siya ni Camille (Prats). Kilala po ako ni KC kasi kaibigan niya si Camille," paliwanag ni John.

    Nasaktan ba siya nang mapagbintangang nanggagamit siya?

    "Na-hurt din ako. Kasi hindi naman 'yon ang intention ko. Wala naman akong balak sabihin 'yon. AAt sa tingin ko hindi naman siguro masama na magka-crush ako kay KC."

    "Wala naman akong planong ligawan siya. Pero hindi ako naniniwala na sinabi nga 'yon ni Tita Sharon. Na-meet ko siya sa show niya, natatawa nga raw siya sa akin, parang kinikilig nga raw siya for KC, sabi nung PA ng show niya."

    "Pero alam ko sinabi niya sa Mom ko na ayaw niyang papaligawan si KC. Hindi ko naman gagawin 'yon eh. Mga bata pa kami. Marami pa akong dapat malaman sa buhay."

    Bukod kay KC, may iba pa namang crush si John na nagkataong crush din nina Carlo Aquino at Stefano Mori, ang vocalist ng Barbie's Cradle.

    "Nagkataon na po. Like 'yung naging crush namin 'yung vocalist nag BArbie's Cradle, si Barbie. 'Pag kumakanta ksi siya titnganan ka talaga niya sa mata. Kaming tatlo iyon ang nagustuhan kay Barbie pag kumakanta siya. Nakaka-seduce."

    Pero mas matindi ang paghanga ni John kay Joyce Jimenez. In fact, nakagawa pa siya ng kanta sa sexy star entitled, "Fantasy".

    "English 'yung song and it's about kung paano makaka-relate 'yung young boy sa girl. 'Yung parang imposimble na ma-inlove 'yung girl sa isang young boy."

    Anong nagustuhan niya kay Joyce at na-inspire siyang gawan ito ng kanta?

    "Actualluy, pinagtatawanan nga nila ako, eh. Kasi para sa akin innocent-looking si Joyce, eh. Kasi ako crush lang talaga. Hindi ko iniisip 'yung kung anu-ano. Iniisip ko lang na si Joyce parang ordinary girl na crush ko, parang ganoon. Walang malisya talaga."

    May possibility ba na ligawan niya si Joyce?

    "Kung may pagkakataon, why not? Pero siguro mas maganda kung mas older ako kay Joyce. 'Tsaka crush lang naman 'yung akin, eh."

    Nagkakilala na ba sila ni Joyce?

    "Na-meet ko na po siya. Pero 'di ko gaanong naka-usap. Wala po, nakatingin lang ako sa kanya. Nag-meet po kami sa ASAP. Pinakilala ako sa kanya ni Mo Twister. Eh, sexy pa 'yung outfit niya."

    Anong plano niya sa kantang ginawa niya for Joyce?

    "Pag may second album po kami, ide-dedicate ko kay Joyce 'yung song. Talagang para sa kanya naman kasi 'yung song."


list all articles