A Blessed Year 2000 for John and Camille
By: Joey Diego
From: Teenstars Mag   [January 11, 2001]


    Aminado ang magkapatid na John at Camille Prats na hindi lahat ng Christmas and New Year nila ay naging masaya. May mga panahong malungkot din ang naging selebrasyon nila and that wa the time na umalis ang Daddy nila papuntang ibang bansa. Although, isang beses lang namang nagyari sa pamilya nila 'yun ay maituturing nilang 'yun ang pinaka-blue Christmas ng family nila.

    At ngayong malalaki na sila ay ngayon nila nararamdaman 'yung feeling na masakit palang mawalay ang isang pinakamamahal tuwing ganitong okasyon. Noong mga bata pa kasi sila ay hindi nila gaanong ramdam ang lungkot dahil pinupunana ng kanilang Mommy ang absence ng kanilang Daddy, pero naalala pa ng dalawang bagets. na umiiyak silang dahil hinahanap nila ang Daddy pero nang bigyan sila ng regalo ng kanilang Mommy ay bigla silang tumigil sa pag-iyak.

    "'Yun 'yung memories namin ni Camille at ng iba ko pang kapatid. Bale, si Carlo ang pinakabata sa amain noon. Ganu'n ang mga bata, di ba, konting suhol at amo lang ay nawawala na 'yung sama ng loob dahil sa wala nga ang Daddy namin noon. Ngayong malaki na ako, doon ko lang na-realize na ang laki-laki pala ng nawala sa amin ni Camille noon, kasi kung ngayon ko ito mararamdaman, ang sakit, mahirap mawalay sa taong pinkamamahal mo tuwing sasapit ang ganitong okasyon," kuwento ng guwapong si John.

    "Masaya naman ang mga naging past Christmas namin except nga doon sa taong wala 'yung Daddy namin dahil nasa abroad nga siya. So far, wala naman akong mako-consider na malungkot na pasko. And that time, mga bata pa kami ni Kuya kaya parang hindi pa namin ramdam 'yung pagkawala ng Daddy namin. Siyempre bata, masay kapag nakakatanggap ng regalo, madaling nakakalimutan ang lahat. Pero ngayon, hindi na nangyari sa amin 'yun. Buo kami palagi dahil gusto ng Daddy kong 'wag nang mangyari sa amin 'yung nangyari sa amin noon. Noong nag-artista na kami ni Kuya ay hindi na kami nagkahiwa-hiwalay, lagi na kaming magkasama," say pa ng nagdadalagang si Camille na very pretty.

    Ayon din sa magkapatid, masasabi nilang ang taong 2000 ang pinakamagandang taon para sa kanila kahit pa nga mas naunang nabiyayaan si Camille dahil bata pa ito ay nakilala na nang husto at nabigyan ng malaking break.

    "Sa akin, itong taong ito ang masaasbi kong good year para sa akin, dahil naging very busy ako sa aking showbiz career. Naging maganda ang pasok sa akin ng taon, nakilala ako at nagkaroon ako ng sarili kong identity, nawala na ako doon sa anino ng kapatid kong si CAmille at nabuo nga 'yung grupo naming JCS band (John, Carlo, Stefano). Naging matagumpay pa ang aming G-mik Nation Tour at pati ang G-mik show namin ay humataw talaga sa ere. Wish ko lang next year ay gawing pelikula na sana itong G-mik para mapanood naman kami sa big screen," sabi pa ng bagong crush ng bayan na si John.

    Para naman kay Camille, masaya siya para kay John dahil natupad ang pangarap nitong magkaroon ng sariling pangalan sa showbiz.

    "Natutuwa talaga ako para kay Kuya, natupad kasi 'yung dream niya ngayong taon na ito. Wish ko lang magtuluy-tuloy pa rin ang luck niya. And for me, I'm happy sa mga nangyayari sa akin, although, na-miss ko talagang gumawa ng movie. Matagal-tagal na kasi akong walang pelikula, naging busy ako sa TV. Masasabi ko rin namang naging maganda para sa akin ang taong 2000 pero higit akong masaya para kay Kuya dahil naging very successful siya," masayang kuwento ni Camille na proud na proud sa kanyang Kuya John.

    Anyway, buong-buo na ang pasko at bagong taon ng magkapatid na John at Camille sa rami ng blessings na dumating sa kanila at sa kanilang pamilya, ano pa kayang ibang mahihiling ng dalawang bagets?


list all articles