John as a Solo Star
By: Tonee Coraza
From: Teenstars   [April 23, 2001]


    Hindi namin nakilala si John Prats nang makita namin siyang bumibili sa Orbitz sa harapan ng ABS-CBN kasama ang sister niyang si Camille Prats. Paano naman kasi umitim siya nang husto kaya nang binati niya kami ay saka lang namin siya namukhaan.

    Naku, bakit siya sunog nang ganoon? Aba, nawala ang pagka-tisoy niya bigla, huh!

    "Kagagaling ko lang kasi sa Boracay. Three days ako doon with my Tito. I had a pictorial there for a magazine tipong pang-summer ang concept. Siyempre, wholesome pa rin ang dating. I didn't wear any skimpy trunks or something. Shorts lang and polo na nakabukas at kita ang dibdib ko. Maganda naman kasi ang chest ko kaya puwedeng ipakita. He! He! he!"

    "And since nandoon na rin ako, sinabayan ko na nang bakasyon. Nag-enjoy ako nang husto because I love the beach. Isa pa, ngayon lang ako nagkaroon ng break for a long time. Puro work and studies lang kasi ang inaatupag ko," kuwento nni John na sarap na sarap sa iniinom niyang Orbitz Pearl Shake.

    Solo lang pala niya ang naturang pictorial. Hindi niya kasama ang katropa niyang sina Carlo Aquino at Stefano Mori. Ang ibig sabihin ba nito ay unti-unti na siyang bini-build-up as a solo star ng ABS-CBN?

    "Hindi pa siguro. ang alam ko three years pa kaming magkakasama nina Carlo at Stefano bilang JCS at saka enjoy ako kung magkakasama kaming tatlo kaya ayoko pa ring magsolo."

    "Nagkataon lang na ang ni-request for the pictorial eh, ako lang. walang kaso 'yon. May kanya-kanya rin naman kaming schedules bukod sa activities naming tatlo na magkakasama. Okay naman 'yun dahil bago pa naman i-form 'yung grupo namin ay kilala na naman kami individually, lalo na sina Carlo at Stefano na kilala bilang magagaling na child actors."

    "Like me, mayroon akongDa Body En Da Guard with Kuya Aga Muhlach and Joyce Jimenez. Hindi ko kasama dito sina Carlo at Stefano. Okey lang 'yon diba? I play the kid brother of Tita Joyce here. Comedy ang dating ko dito like the rest of the cast. Tipong makulit ganoon," tugon ni John.

    Speaking of Da Body En Da Guard, hindi naging maganda ang feedback sa pilot episode nila ng mga tao. Kesyo corny daw ang dating nito at hindi nakaktawa.

    "Aminado ako, pangit talaga ang naging pilot episode namin. Minadali kasi ang paggawa nito dahil bigla na lang kaming nagkaroon ng telecast date. Di ba, pati nga ang presscon nito ay ura-urada? Pero ngayon nag-improve na kami nang husto. Gustong-gusto na ito ng mga televiewers. Sa katunayan, No. 2 na kami sa ratings ngayon sa lahat ng shows on primetime. No. 1 ang Okatokat at kami na ang pumapangalawa."

    "Hindi pa naman masyadong nabi-build-up ang character ko doon dahil ang bida dito ay sina Kuya Aga at Tita Joyce. Marami ngang nagsasabing mas bagay daw kung ang naging kapatid ni Aga sa istorya kaysa kay Joyce dahil magkamukha raw kami. Oh well..." pahiwatig ni John.

    Aside sa Da Body En Da Guard, ka-join din daw siya sa movie nina Aga and Joyce na Narinig Mo Na Ba Ang L8est? under Star Cinema. At may pelikula na rin siyang gagawin kasama sina Jericho Rosales, Onemig Bondoc, Baron Geisler and Marvin Agustin ito 'yung Trip. Again, hindi na namn niya kasama ang mga katsokaran niyang sina CArlo at Stefano dito.

    "Ang ABS ang nag-desisyon na mapasama ako sa movie without my groupmates. Ayos naman 'yon. I'm looking forward doing the movie dahil maganda ito. Parang Pare Ko ang dating nito, pero 'yung sa amin the millenium version na dahil year 2001 na tayo, wala na tayo sa 90's. Hindi drugs ang ibig sabihin ng Trip dito. Moe on the zest for life o 'yung thrill ng pagiging isang teenager, ganoon. Hindi ko pa talaga made-describe nang husto dahil mamaya pa lang ang story conference namin tungkol dito," sabi ni John.

    Balita pa sa namin ni John, siya raw ang magsu-supply ng comedy dito sa Trip. Bini-buildup ba siya bilang isang young comedian ng ABS?

    "Hindi naman. Nagkataon lang siguro. Ang alam ko, gusto ng ABS na mahasa kami lahat, mapa-comedy, mapa-darama o action. Eventually, ang gusto ko talaga ay mag-action pero bata pa ako kaya sa mga wholesome roles muna ako."

    Nagda-drama rin ako. Nakaka-six episodes na ako sa Maalaala Mo Kaya. I had 5 MMK last year at nakakaisa na ako this year. Last year, nakasama sa Asian TV Festival ang mga episodes ko sa MMK na "Sinehan", "Kalesa" at "Kape". And I was even nominated as Best Actor. Kaso, hindi ako ang nanalo. Sa ibang country ang nanalo ng Best Actor. But being nominated is a big honor for me."

    "So far, wala pa naman akong acting awards. 'Di tulad nina Carlo at Stefano na may mga awards na pero alam kong darating din ang time ko. Hindi naman kasi ako banong umarte," wika ni John.


list all articles