Sikreto nina John at Camille, Ibinuking!
By: Jenny Fatima
From: Super Teen Magazine   [May 12, 2001]


    When the topic are about its parents' kid, that's the time that you can see the glitter in the parents' eyes. Parents are always proud of their kids everytime they talk about them. And that's exactly what happened when Tito Dondi and Tita Alma are talking about John and Camille.

    Camille is one of the most famous teenage actresses in town. And John is predicted to be the new Aga Muhlach as well. Kaya naman, natatawa si Tita Alma while recalling John and Camille when they're still kids.

    Tita Alma has a lot of stories to tell about John and CAmille. And most of them are nakakatawa especially 'yung tungkol kay John. Well, Camille is a little bit of mature than her age and at times lumalabas na mas mature siyang mag-isip compared kay John. And maybe because, most of the panganay are more pampered kesa sa mga kasunod nito and John is a no-no exemption.

    Anyway, according to Tita Alma, very close ang relationship nina John and Camille bilang magkapatid. Since nung mga bata pa sila, magkatabi ang dalawa sa pagtulog, laging nagkukuwentuhan. Barkada ng isa, barkada ng dalawa. And that's how close they are. Though ngayon, medyo malaki-laki na sila, hiwalay na sila sa room pero hindi pa rin nawawala ang pagiging magkabarkada nila.

    Kapag walang work at school ay nasa bahay lang ang magkapatid, nagre-relax. Si John nagpapabili ng seafoods since ang pagkaing ito ang favorite nila. Si Camille naman, ini-invite ang kanyang long-time classmate and barkada para manood ng VCD. And with that, kuntento na sila.

    As kids, there's a lot of stories to tell especially kay John. John eversince ay masayahing bata. Makulit, magulo and when he was 10 months old, nakakalakad na siya. Si Camille naman, when she was a kid ay may konting moods. Kapag bagong gising, hindi siya puwedeng biruin unlike kay John, nangingiliti.

    Normal sa magkapatid ang pagkumparahin especially sa mga attitudes at saka, mga nakakatuwang experiences. And natatawa si Tita Alma kung papaano ba ang magkapatid noong mga bata pa sila. Ayon kay Tita Alma, medyo advance daw si Camille na matuto. Sa pagsuot ng mga damit, nauna si Camille na natutong magsuot ng damit kesa kay John.

    Grade 1 na si John, hindi pa masyadong marunong magsuot ng damit. Baliktad nga raw maglagay ng brief si John. And during his first day sa school, nagi-iyak si John. Very attached nga siya sa mommy niya. For half a year nga raw ay nasa loob ng klase si Tita Alma dahil kapag wala ito ay nagi-iyak si John. Until kailangan ng kausapin si Tita na hindi na siya kailangan sa loob. So sa labas naman ngayon si Tita. Kailangan daw nakalagay ang isang kamay niya sa bintana para makita ni John dahil kung hindi ay magi-iyak pa rin ito.

    Since that time ay may baby si Tita Alma, si Camille nga, kailangang yaya na ang magbabantay kay John. Kaya ang ginawa ng mommy, ipinasuot niya ang kanyang singsing sa yaya para kunwari ay kamay niya 'yun at hindi kay yaya. Until na mag-aral si Camille, that's the time na hindi kailangan ni John ang bantay. Since very close nga silang magkapatid, everytime na may lakad ay hindi maaaring maiwan ang isa. Kaya naman, nung mga time na pumapasok na si Camille starting Ms. Little Philippines day pa no'ng 1990, kasa-kasama pa rin si John. As a mother, nagkaroon ng fear si Tita Alma na ma-left out si John kaya pina-audition din siya until such time na makuha siya.

    Sa ngayon na malaki na ang dalawa, very proud sina Tito Dondi at Tita Alma para sa kanila. Proud sila dahil kahit na may kanya-kanyang history ang pagkabata nina John at Camille ay pareho silang masunuring anak. Para silang magba-barkadang mag-anak, nasa bahay lang kapag walang school at trabaho and very open sila sa bawat isa. Parehong madaling pagsabihan si John at Camille. And kapag araw ng Linggo ay sama-sama silang mag-anak sa pagsisimba.


list all articles