Teen Talk with John
By: Chanchan Torres
From: Teenstars   [February 05, 2001]


    Siya ang sinasabing next matinee idol at ilang panahon pa ay siya ang susunod sa yapak na sinimulan ng mga sikat nating male stars ngayon sa showbiz. Siyempre, wala kaming ibang tinutukoy kundi ang guwapitong bida ng G-mik na si John Prats

    Nagsimula siya bilang isa sa mga Ang TV Kids together with sister Camille Prats na at the same time ay humataw na sa paggawa ng pelikula. Kaya for a while ay naging shadow siya ni Camille which he didn't mind at all. Pero habang tumatagal ay unti-unti nang gumagawa si John ng sarili niyang pangalan kaya tuwang-tuwa kami para sa kanya.

    At dahil bagets nga mayroon ibang tao na nami-misinterpret ang mga ginagawa niya. Kaya dito sa Teen Talk with your fave stars, na somehow you guys would know na kahit artista sila by profession tao rin sila tulad natin na kinikilig, naaaliw, nalulungkot at nasasaktan. Here's what we learned from John in our fun-filled chat:

Teen Talk: What keeps you busy these days?

John: Oh well, school at saka G-mik tapings. Pero ngayon ay nagu-umpisa na akong mag-taping sa bago kong sitcom na Da Body En Da Guard with Aga Muhlach and Joyce Jimenez pagkatapos ng Tanging Yaman.

Teen Talk: Recall your fondest memories in school.

John: Actually, what I recall is 'yung pagiging good boy ko sa school. Na wala akong ginagawang kalokohan. Kasi, I'm preparing for college so kailangan, maganda ang record mo especially kapag 4th year ka na. Pero hindi rin naman naging boring ang high school days ko. Siyempre after class, naghahanap agad ako ng gimik kasama ang friends ko. We also play basketball at 'yun ang pinaka-gimik namin.

Teen Talk: They say that high school days are the best years in someone's life. Dito natin nami-meet ang ating mga crushes and we get to learn new things in life. Have you been in love in the true sense sabihin pang bata ka pa para ma-experience ito?

John: Oo naman, Na-in love na rin ako. Lalo na sa age kong ito na naroon 'yung kilig at excitement. At lalo na ngayong naka-stock kami palagi sa ABS. Kaya kapag nakakapunta kami minsan sa mga girls' school, talagang nae-excite kami. Siyempre, marami kang makikita at mami-meet. Kung tungkol sa crushes, marami ako niyan pero hindi ako 'yung tipong madaling ma-in love. Pero siyempre dapat friends muna kami nu'ng girl kung sakali.

Teen Talk: Have you experience the joys and pains of first love?

John: Ah siyempre. Lalo na 'yung una, matindi 'yun! 'Yung first crush ko kasi ang naging first love ko. Dati kasi makapal mukha ko no'n, Ha! Ha! Ha! Pero ngayon nahihiya na 'ko sa kanya mula nung sinupladahan nya ako. Artista rin kasi siya at dati ring taga-Ang TV. Pero 'yung feelings ko sa kanya ay hindi pa rin nawawala. Kung crush lang talaga 'yon, eh, 'di sana wala na. Kaya lang, ang tagal-tagal na nito kaya do'n ko na-realize na love ko nga siya. So kahit hindi masyadong maganda ang naging experience ko at least I learned from it. Na hindi lahat ng babae ay kayang-kaya mong kunin. Na hindi porke't artista ka ay makukuha mo ang lahat ng gusto mo.

Teen Talk: Any memorable place?

John: Sa Fisherman's Wharf sa San Francisco. Doon kami nag-shoot ng Tanging Yaman. Tapos, I met someone there. Hindi pa kasi no'n dumarating ang daddy ko para sunduin ako. So, sa paghihintay ko, I met this girl. She's American, 17 years old. Nagkumustahan kami at nagkuwentuhan. Nakaka-bad trip nga lang dahil pauwi na ako dito kaya hindi na kami nagkasama nang matagal.

Teen Talk: What would make you fall in love with someone? Are you choosy when it comes to girls?

John: I like girls na sweet and understanding. Ako naman, hindi talaga ako after sa girl na sobrang pretty. Okey na 'yung simple lang ang dating pero sweet. Malambing kasi akong tao. Saka gusto ko kahit kami na ay para pa rin kaming barkada.

Teen Talk: They say friendship is the best foundation of love. Do you believe that?

John: Naniniwala ako diyan. I believe na sa isang relasyon, 80% talaga do'n should be friendship at 20% lang ang love.

Teen Talk: What have you learned from falling in love?

John: Ako kasi, I'm still young para mag-seryoso tungkol diyan. So may rule akong nai-set sa sarili ko. Na huwag munang ma-in love. Kasi kapag gano'n lagi rin akong masasaktan.

Teen Talk: what would hurt you so much para iwanan mo ang taong mahal mo?

John: Siguro ang pinakamasama ay 'yung manlalake siya. 'Yung sasadyain niyang mahuli ko siya tapos biglang sasabihin niyang ginawa niya 'yon para mapikon ako. Nakaka-bad trip 'yon.

Teen Talk: State of your heart at this point.

John: Okey naman ako when it comes to that. Kaya as of now, hindi naman ako naghahanap ng babaeng makakasama ko dahil hindi pa ako handa. Kuntento na ako sa mga crush-crush lang.

Teen Talk: What's your idea of a romantic date?

John: An expensive one. Gusto ko sa Paris. 'Yun bang kayong dalawa lang tapos magkasama kayo habang naglalakad.

Teen Talk: Describe John Prats in one word.

John: Loyal. Kasi kapag nagmahal ako, isa lang.

Teen Talk: tell us about your first kiss. How did it feel?

John: Oh well, nakaka-shock! Hindi ko akalaing gano'n pala 'yon. Ha! Ha! Ha!


list all articles