John Inggit kay Carlo?
By: Joey Diego
From: Hotcopy Magazine   [April 08, 2002]


    Honestly, masaya si John Prats sa success na natatamo ni Carlo Aquino lately lalo pa't acting awards ang nakukuha nitong recognition. May nagsasabing malayo na nga raw ang narating ni Carlo compared sa kanila ni Stefano Mori pero may nagsasabi namang pagdating sa pagiging commercial endorser, hindi naman siya puwedeng lamangan ng dalawa dahil 'di hamak na napakalayo naman daw ng agwat niya sa mga ito.

    Dalawang big products ang kanyang mino-model, Hawk Bags at Bench. Nagkalat nga ang malalaking billboards nito sa buong Kamaynilaan at marami ang nagsasabing ang taas-taas na rin ng status nito bilang image model. Sa puntong ito, mahihirapan na raw ang mga kasabayan na tapatan siya pagdating sa pagiging image model at product endorser.

    "Very thankful ako sa blessings na dumarating sa akin. I may say na siguro rito tayo higit na nabigyan ng break. I mean, okay rin naman ang acting career ko. But siyempre, malaking tulong din naman sa akin 'yung mga produktong ine-endorso ko. Kumbaga, lumalaki ang pangalan ko sa commercial market kaya malaki rin ang nagagawa nito sa popularity ko."

    "Tungkol naman sa tapatan, hindi ko naman iniisip 'yun. Para kasi sa akin, wala namang competition sa amin. Kung ano 'yung mga success na naaabot namin, masaya kami para sa lahat. Tulad ni Carlo, 'yung awards na natatanggap niya, masaya kami para sa kanya kasi napatunayan lang niya na kahit bata pa siya, may kapupuntahan na ang akting na ipinamamalas niya."

    "Si Stefano naman, I guess, darating din ang luck niya. 'Wag lang siyang maiinip at dapat paghusayan lang niya ang trabaho niya para maabot din naman niya ang success na nakukuha namin ni Carlo ngayon."

    Dahil pareho silang successful ni Carlo in both fields, ano ba sa tingin niya ang problema kay Stefano?

    "Wala ako sa posisyon para sumagot niyan. I mean, I have no right to comment about that. Siguro, pass na lang ako sa question na 'yan." iwas pa ng guwapong aktor.

    Right now, maganda ang nangyayari sa career niya. May magandang plano sa kanya ng Star Cinema sa taong ito, nakatakda siyang gumawa ng malaking pelikula. Ano pa ba ang sa tingin niyang kulang sa career niya ngayon?

    "'Yung kulang, I guess marami pa naman. Pero siyempre, dapat magpasalamat na ako roon sa mga dumarating sa akin. Kumbaga, masuwerte ako dahil isa ako sa nabibigyan ng chance na maipakita ang talent ko at kung may kulang man, hindi ko na iniisip 'yon. Pagpapasalamat ang lahat ng nasa isp ko ngayon," say pa sa amin ni John.

    Nangangarap din ba siyang magka-award tulad ni Carlo?

    "Oo naman, lahat naman yata ng artista ay nangangarap na makakuha ng award at isa rin ako roon. Gusto rin namang makilala ang talent ko. Gusto ko ring maipakita na hindi lang naman pagpapa-cute o pagpapa-pogi sa kamera ang alam kong gawin."

    "Sana ay mabigyan din ako ng pelikulang magpapakilala sa kahusayan ng pag-arte. I mean, 'yung tipong pang-award na tulad ni Carlo. I know na hindi naman gano'n kadali 'yon, but I'm willing to wait. Gustong-gusto ko rin namang gumanap sa iba't-ibang klase ng role at sana nga matupad 'yon."

"Right now, I admit na limitado ang naibibigay sa akin na role, mapa-TV man o pelikula, but hindi rin naman ako nagmamadali. Gusto ko, slowly but surely. Mas okey kasi ang gano'n, 'di ba?" huling sabi pa ni John sa amin.


list all articles