About Showbiz
By: Nitz Millares
From: Pilipino Star Ngayon   [February 02, 2004]


    Mawawala na pala ang Berks, ang Sunday, youth-oriented show ng ABS-CBN. Si John Prats mismo ang nagbalita nito sa amin nang amin siyang makausap sa taping ng It Might Be You. Sa February 29 na ang last taping nila at March ang last airing.

    "Nalulungkot ako sa pagkawala ng show. Pero, career move ito at gusto ko rin namang mag-grow as an actor. Papalitan din naman ng ibang show at magkakasama pa rin daw kami ni Heart (Evangelista)," wika ni John.

    Hindi pala namin kinakitaan ng lungkot si John sa nababalitang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend ni Heart. Ganoon daw talaga ang buhay and as far as he is concerned, buo pa rin ang kanilang loveteam at gaya kina John Lloyd at Bea Alonzo ay muli silang gagawa ng pelikula.


list all articles