John, insecure sa SCQ?
By: Joey Diego
From: Moviestar magazine   [October 19, 2004]


    Nasa dressing room ng Studio 5 sina John Prats at Maja Salvador nang datnan namin. Inalam namin ang reaksyon ni John nu'ng malaman niyang naaksidente si Maja.

    "Nagulat at nag-alala ako kaya kaagad akong tumawag sa cell niya para kumustahin siya. Pero hindi niya kaagad sinagot kasi that time, may mental shock pa siya kaya nakibalita na lang ako kung okay ang lagay niya. After awhile, tumawag ulit ako at okay na siya. Na-bother talaga ako kasi pangalawa na 'yun. Sana, mag-ingat siya kasi parang malapit siya sa aksidente," simula pa sa amin ni John.

    Na-tense ba siya ng makarating sa kanaya ang balita?

    "Nanlamig ang buo kong katawan. Iba kasi 'yung first impression, di ba? I mean, medyo exaggerated 'yung nasa isip ko. Mabuti na lang, hindi grabe ang nangyari sa kanya, minor injury lang."

    Ano ba ang maipapayo miya sa kanyang ka-loveteam?

    "Mag-ingat lang siya, kahit hindi siya ang nagda-drive, kailangan palagi niyang i-remind sa kanyang driver na mag-ingat. Tsaka always pray before anything else, malaki ang maitutulong ng guidance Niya sa atin," say muli ni John.

    Tila nauungusan daw siya ng ilang miyembro ng Star Circle Quest to think na mas nauna siya sa mga ito?

    "I don't think it's fair, I mean, hindi pwedeng ikumpara 'yung achievements nila sa na-achieve namin. Hindi kasi magka-level. Kung meron mang dapat na itapat sa kanila, 'yun eh 'yung mga TV Idols at 'yung ibang nasa kabilang channel na produkto rin ng artista search. Mas malalim ang pinagdaanan ko sa kanila. Hindi ako overnight big star, malaki ang hirap ko bago ko narating ito. Kaya sana, huwag kaming ikumpara sa kanila. Ibang level naman kasi 'yung sinasabing kasikatan nila."

    Insecure nga raw sila sa mga SCQ boys?

    "Bakit naman? Walang dahilan para ma-insecure. Hindi ako 'yung tipo na may feeling na ganu'n dahil I know naman where I stand, hindi ako madaling ma-provoke sa mga ganu'ng bagay," simpleng sagot mula sa binata.

    Kung meron mang rival si John, ito'y walang iba kundi si Carlo Aquino na siyang kapanabayan niya. Ano naman ang masasabi niya sa muling pag-init ng career ni Carlo?

    "Honestly, hindi ko siya tinatratong rival kahit kami ang sinasabing magkatapat. I'm happy dahil okay na uli ang career ni Carlo. Hindi ko iniisip na mabubuhay uli 'yung rivalry namin. Kaibigan ko siya at whatever na maging resulta ng kompetisyon, para sa akin propesyonal lang 'yun, nothing personal dahil we both belong to the same network at magkaibigan kami."

    Nali-link ang sister niyang si Camille Prats kay Elvis Gutierrez gayung intact pa rin ang relasyon nito sa kaibigan niyang si Francis Ricafort. Kaibigan din niya si Elvis kaya ano ang masasabi niya rito?

    "Actually pati ako nagulat dahil hindi totoong nanliligaw si Elvis kay Camille. Magkakaibigan lang kami at kung minsan, nagkikita-kita. Binigyan lang ng kahulugan nang makita kami sa party ng Bench. That night, wala si Francis, nasa Singapore at ako ang kasama ni Camille. Siyempre, magkakasama kaming lahat kaya nag-usap din sina Cams at Elvis. Nilagyan lang talaga ng malisya," paliwanag pa ni John.

    Paano kung totoong nanliligaw si Elvis sa sister niya?

    "Hindi ako ang nililigawan kaya bakit ako ang sasagot niyan? Seriously, I don't think na papasok ang kapatid ko sa dalawang relasyon since okay naman sila ni Francis. Camille is bright and a strong girl. Alam kong kaya niyang i-handle ang ganyang sitwasyon. Nakikita kong happy si Camille kaya I don't think na papasok siya sa gulo. To clear the issue, hindi nanliligaw si Elvis sa kanya at magkakaibigan kami," pagtatapos ni John.


list all articles