John, nalungkot sa pag-alis ni Maja sa IMBY
Nalulungkot din si John Prats nang biglang-bigla na
lang mag-last day si Maja Salvador sa nasabi ring teleserye. Kahit busy si John P. sa iba niyang projects (without Maja), tulad ng D- Anaders at Mano Po 3, iba talaga ang dalagita. "Lagi kong inaasahan iyan (Maja) nung una kaming naging mag-love team. May mga tampuhan din kami. Pero, nitong mga huling araw mabait na ako sa kanya. Nagkakahingahan na kami ng loob. Tungkol sa mga love life ko (with other girls) at siya naman sa mga "crush" niya. Crush lang, dahil she's too young (16) pa naman for a serious relationship. Ayaw pa nga niyang magpaligaw." "Sweet siya, hindi lamang sa mga direktor ng teleserye namin, kahit sa staff, lalo na sa make-up artists. Nagtatampo 'yan dahil, wala kasi siyang make-up artist. Bago pa lang kasi siya, kaya't madalas siya na lang ang nagpupulbos sa sarili. Minsan, pinahihiram siya ni tita Jean (Garcia) at Bea ng kanilang make-up artists. Sabi ko, hayaan niya at kung bida na siya, bibigyan na rin siya ng make-up artist." "Nung araw na last day niya sa amin, ibinalita pa niya sa akin na may make-up artist na siya sa Spirits. "Eh, di bida ka na pala?", sabi ko. "Umiling siya. Hindi pa naman daw, kasi mas malaki pa rin ang roles doon nina Jawe (John Wayne Sace) at Rayver (Cruz). Mas malaki pa ang pictures nila sa posters, eh, tapos pinipilit na hindi pa siya bida. Lalo ko tuloy kinantiyawan." Sa eksena na ihahatid na ni John sa airport si Maja (she's supposed to study singing sa abroad), "nagkaiyakan kami". "Totoo ang tears namin dun. Mas malakas sa kanya. Kasi nga raw, kung kelan ako naging mabait sa kanya, saka naman daw kami paghihiwalayin. Na-feel ko rin iyon. Nakalulungkot talaga!" Nalulungkot din si John Prats para sa fans nila na sumuporta sa kanilang team-up for the past 9 months. Oo nga pala, hindi man lang umabot ng 1 taon, 'noh? Still, hindi matatawaran na solid ang love team nila. Matatagalan marahil bago malimutan ng fans ang team-up nila. Sana naman, maalaala ito ng ABS at Star Cinema, 'di ba? |