Maja, umiyak kay John
By: Nel Alejandrino
From: People's Tonight   [December 12, 2004]


    Umiyak pala si Maja Salvador kay John Prats dahil di nga siya pinayagan ng mga tao behind her new horror-adventure teleserye Spirits na mag-report sa last taping day ng It Might Be You, na natapos na noong Friday (Dec. 10).

    Paliwanag ni John: "Love kasi ni Maja ang It Might Be You, dahil first crack niya ito sa pag-arte sa telebisyon. Kaya nga, di tuloy nagkaroon ng closure ang supposed pag-i-ibigan namin."

    When Maja started with Spirits, ipinalabas sa It Might Be You na kunyari ay umalis siya para mag-aral kumanta sa Italy, courtesy ni Farrah (Lani Mercado), who turned out to be the mother ng bidang si Lawrence, played by John Lloyd Cruz.

    "Well, na-miss din namin si Maja," ani John. "Para kasing reunion ng mga important characters ng serye ang kasal na naganap kina Lawrence at Cielo (Bea Alonzo), which marked It Might Be You's ending."

    A chickboy kung ituring ng mga movie press, John, who is in the cast of Mano Po 3, Metro Manila filmfest entry ng Regal Entertainment, swears na di niya niligawan si Heart, pati na si Jeni Hernandez. Bagama't inamin niyang nagde-date sila ni Jeni.

    At 21, he also reveals he practices safe sex. And he makes sure na mahal niya ang girl, if he does it, para may mangyari man, (accidents happen, aniya), halimbawa, mabuntis ang babae, at least, di siya magdadalawang-isip na pakasalan ito.


list all articles