Heart remains in John's heart
By: Rowena Agilada
From: Tempo   [June 2005]


    FINALLY, John Prats and Nikki Gil were formally introduced to each other when they met at "ASAP 2005." Si Toni Gonzaga ang nagpakilala sa dalawa na sinabi pa nitong, "John, si Nikki, 'yung nali-link sa 'yo."

    "Wala akong nasabi. Tongue-tied ako," said John at the presscon of "Happily Every After."

    Prior to that, sinita raw niya si Luis Manzano na nagbuking sa press tungkol sa kanila ni Nikki. Sa totoo lang daw, si Geoffrey Eigenmann ang close kay Nikki dahil schoolmates ang dalawa. Nahiya nga raw siya (John) kay Nikki dahil hindi pa sila formally introduced to each other ay na-link na sila. "Si Luis kasi, eh!"said John.

    But it looks like, si Heart Evan-gelista pa rin ang nasa puso ni John. Nami-miss daw niya 'yung pagiging sweet and thoughtful ng kanyang ex-girlfriend at 'yung pagiging maalaga nito sa kanya sa loob ng one-year-and-three months. "Basta may binili si Heart, parating tig-isa kami," John said.

    Inamin niya, he initiated the break-up. Complicated daw kasi ang kanilang relasyon dahil super strict ang parents ni Heart, especially her dad. "Kapag dina-dalaw ko siya noon sa house nila sa Cavite, 12 German shepherds dogs ang nakabantay na any moment, baka ipahabol ako ng daddy niya (laughs)," said John.

    They broke-up during the filming of their movie, "My First Romance" at naitago nila 'yon sa press noong promo period hanggang nai-showing ang kanilang movie. Noong nag-split sila, he went to Hongkong and stayed there for one week. Iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Heart, confessed John.