John Prats, Iiwan na ang Showbiz...
By: Timmy Basil
From: ----   [May 11, 2005]


    How true na talagang hindi na happy si John Prats sa kanyang career? Sa tingin kasi ni John parang hindi siya naggro-grow as an actor.

    Well,medyo nga hindi na mabenta si John Prats ngayon hindi katulad noong panahon na magkapartner pa sila ni Heart Evangelista na ang dami-dami ng kanyang ginagawa. May mga commercial pa siya noon pero ngayon ay hanggang asap mania nalang napapanood si John. E hindi naman siya gaanong napapansin doon dahil ang dami ring cute at magagaling doon.

    Ang dinig ko, pupunta na lang daw ng America si John. Although, hindi na bitter sa showbiz at naiintindihan naman daw ni John na sa buhay ng artista may ups and downs talaga kaya more or less ay tanggap niya ang nangyayari sa kanyang sarili. Ang balita eh magaaral na lang daw ng Film Directing doon si John Prats at kung sakaling matapos niya ay saka niya i-aaply dito sa atin.

    Well at least showbiz pa rin ang kanyang ba-bagsakan. Sana ay magtagumpay si John sa kanyang nais marating. At least, maganda ang naging desisyon ni John at least hindi siya tumulad sa ibang aktor na nang naramdaman nalaos na sila ay nalulong naman sila sa ipinagbabawal na gamot.

    At least kay John, nakaisip kaagad siya ng alternatibo at kung saka-sakaling, siya na ang hahabulin ng mga artista, producer at mga TV executives para mag-direct ng kanilang show.

    Siguro si John na ang pinakagwapong director at pinakabatang director kung magkakataon.