Naunsiyaming tambalang John Prats- Maxene Magalona sa TV, natuloy sa movie
By: Noel Asinas
From: Taliba   [June 15, 2005]


    Maraming pinakilig sina Maxene Magalona at John Prats sa unang tambalan nila para sa sitcom na Daddy Di Do Du. Kaya lang ilang episode lang napanood si John sa sitcom. Diumano'y di pa puedeng mag-freelance ang actor. Kaya na-hold ang napipintong paglipat sana sa GMA 7 mula sa ABS-CBN 2.

    "Until December pa kasi ang contract ko sa ABS, hindi pa ako puwedeng lumabas sa ibang network. Maaaring next year ay puede na. Kinuha ko na ngang manager si Arnold (Vegafria) para madali na akong makapasok sa ibang network," pahayag ni John sa presscon ng Happily Ever After, isang trilogy movie na direhe ni Maryo J. delos Reyes.

    Tampok ang tambalang Maxene at John sa Playboy Kuba. Si John ay maporma at playboy ang role sa movie. Si Maxene naman isang dalagang mula sa probinsiya at nagkita sila sa Manila.

    "Wala akong masabi kay Maxene, siya'y mabait at walang kaartehan sa buhay. Mahilig siyang makipagkulitan sa akin sa set. Kaya nang unang nag-partner kami sa Daddy Di Do Du ay madali kaming nakapag-adjust sa isa't isa.

    "Sa set ng Happily, naulit muli ang kulitan namin sa isa't isa."

    So far ay naka-limang girlfriend na si John sa edad niyang 21. Sa ngayon ay pahinga muna siya sa mga babae. After nang makipag-split siya kay Heart Evangelista (only showbiz personality na naka-on niya) two years ago. Nagtagal ang relasyon nila nang one year and three months.

    Eight movies ang kontrata ni John sa Regal Films. Nakaka-three movies pa lang siya. Kasama rito ang Mano Po3, Happily Ever After at ang ginagawa niyang "Ako Legal Wife" na kapartner naman niya si Nadine Samonte.

    "Nagsimula ako sa Regal bilang child actor. Kasama ako sa hit movie ni Peque Gallaga, ang Batang X. Ten years old lang ako nang unang gumawa sa Regal.

    "Probably, natandaan ako ni Mother Lily kaya pina-sign ako ng contract sa kanyang outfit."

    Pero, sa Star Cinema ay marami siyang nagawang movie. Kabilang dito ang Trip. Jologs, My First Romance, Tanging Yaman at Tanging Ina.

    "Wish ko ring magkaroon ng acting awards, dagdag biyaya ito sa akin."

    "Hanggang nominees lang ako sa pagka-best actor sa Maalaala Mo Kaya episode sa Star Awards For TV."

    Naniniwala si John na darating din sa kanya ang awards. Basta pagbutihin lang niya ang kanyang career sa showbiz at wala munang babae sa buhay niya.