Type ang mas matanda sa kanya!
By: Emy Abuan- Bautista
From: Pilipino STAR Ngayon   [June 21, 2005]


    Hindi lang magaling na artista si John Prats kundi isa ring magaling na dancer. Nahasa ang talentong ito noong nasa Ang TV pa lang siya.

    Na-meet na niya ng personal ang itinutukso sa kanyang si Nikki Gil at nagagandahan siya rito. Pero sa ngayon ay loveless ang aktor at prioridad pa rin ang career.

    "Posible ba siyang ma-in love sa isang mas may edad sa kanya?" tanong namin.

    "Why not, kung kasing ganda ba siya at kasing seksi ni Ms. Lorna Tolentino. Mukha pa rin siyang bata at talagang crush ko na siya noon pa," aniya.