Biro ni John sa mga "addict"
By: Jojo Gabinete   From: Abante Tonite
[July 10, 2006]


    Pagkagulat ang reaksyon ni John Pratts sa presscon ng Aalog-Alog nang tanungin siya ng isang reporter kung totoo na nagsalita siya na "mga addict" ang nagkakalat ng balita at nagbibigay ng malisya sa panonood nila ng sine ni Ai Ai de las Alas.

    Wala kaming makitang malisya kung totoo man o hindi na nagsalita nang ganoon si John.

    Sa loob at labas ng showbiz, itinuturing na biro ang pagtawag na addict sa isang tao, kapag nagkakatuwaan o komportable sa isa't isa ang mga nag-uusap.

    Walang itong ipinagkaiba sa salitang `pokpok' na ginagamit din sa pagbibitaw ng biro. Posibleng naging sensitive o hindi sanay sa mga street lingo ang nag-aakusa kay John.