John, biktima ng cruelty
By: Chit Ramos   From: Tempo
[March 2006]


    Napakawalang puso naman ni Big Brother sa ginawa niyang "parusa" kay John Prats noong Martes.

    Kung bakit pinalampas iyon ng MTRCB o ng staff ng "Pinoy Big Brother" is beyond my understanding and the millions of televiewers' na nanonood nang gabing iyon.

    Tiyempo has never seen such "challenge" kung saan "winax" ang buong katawan niya, mula leeg hanggang paa. Binunot ang kanyang mga balahibo sa legs, tiyan, dibdib, kilikili ng dalawang walang-awang attendant ni Dra.Vicky Belo.

    Talo pa ni Big Brother ang mga Hapon noong World War II na binubunot ang mga kuko sa kamay at paa ng ating mga kababayan.

    Bawa't sigaw ni John ay parang karayom na dumu-duro sa bawa't ina, ama, kapatid at mga nagmamahal kay John.

    Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mag-resort ang isang reality show sa ganoong uri ng challenge. If I were Dondi and Alma Prats, idedemanda ko ang "Big Brother." Kahit pumayag pa si John o pumirma pa ng waiver, walang karapatan ang isang tao o show na saktan ang pinakamamahal nilang anak nang kahit sino man.

    If Big brother meant to arouse the maternal, paternal (or whatever) instinct to save John from being evicted, isang malaking pagkakamali ito.

    Maraming paraan para makapagbigay ng tulong, kasiyahan sa mga mahi- hirap.

    But what `Big Brother' did to John is definitely UNFAIR!