John Prats katapusan na ng career sa pagganap na bading sa movie
Pinag-uusapan nila, hindi raw kaya ang huling pelikula ni John Prats ang maging katapusan na rin ng kanyang career? Isang screaming gay ang role niya sa kanyang huling pelikula, at kung pagbabatayan ang nangyayari sa industriya ng pelikula kahit na noong panahon ng kalakasan nito, walang gumanap na bading sa pelikula na nakabawi pa maliban kina Dolphy at Eddie Garcia. Nang gumawa siya ng isang pelikulang bading, doon na natapos ang career ni Eric Quizon bilang isang aktor. Hindi na rin nakabawi si Roderick Paulate. Sinasabi ngang siguro kung hindi nila ginawa ang roles na ganoon, hindi sila na-typecast. Sinasabi nga mukhang hindi na rin makapag-comedy ngayon si Keeempee de Leon kung hindi bading ang kanyang role. In fairness, mahusay ang pagkaganap ni John sa role na bading, pero hindi nga kaya maapektuhan na nang husto ang kanyang career? Makabalik pa kaya siya sa kanyang boy-next-door image, na sinasabi ngang mas bagay sa kanya, matapos ang role ng isang bading na ganyan? Palagay namin na nakumbinsi si John Prats na gawin ang role na iyan dahil wala siyang choice. Wala namang dumarating na ibang assignment sa kanya ngayon. Siguro nga naisip niyang ok na iyan kaysa naman sa wala siyang pelikulang ginagawa. Pero nakailang pelikula na nga ba siya na ganyan lagi ang kanyang role? Nakakatakot isipin na baka hindi na siya makabawi. Palagay namin dapat may gawin rin siyang remedial measures para hindi masyadong maging identified si John sa mga ganyang klaseng roles. Sayang iyong bata. |