John Prats sinabunutan si LJ Reyes
dahil kay Mike Tan

By: Dinno Erece
From: Taliba   [April 18, 2006]


    Black Saturday, tuluy-tuloy pa rin ang shooting ng Manay Po ng Regal Films.

    Dahil wala kaming napuntahan this Holy Week, go na rin kami sa Malolos Bulacan, sa Bulacan State University, kung saan kinunan ang ilang mahalagang eksena para sa next movie ng Regal Films after Pamahiin na magbubukas tomorrow.

    Complete ang young cast sa pangunguna nina John Prats, Mike Tan, LJ Reyes, Jiro Manio, Charles Christianson, IC Mendoza at Theo Bernardos.

    Nakunan na rin ang sabunutan nina LJ and John over Mike na sa utos na rin ng director na si Joel Lamangan, must be very realistic. Ilang beses kinunan ang eksena not because of them but for certain reasons na mas naging pasaway pa nga ang mga talent na hindi marunong mag-react sa away.

    Part of the reason kung bakit maraming beses ito nakunan ay dahil sa iba't ibang anggulong kailangan kunan dahil one of the highlights ito.

    Puro sorry tuloy si John kay LJ every time nagka-cut si Direk Joel dahil nagsimula si LJ sa eksenang kulot na kulot ang hair at nang natapos na, straight na ito.