John slighted by Paul Soriano's 'no comment' about Camille's pregnancy
By: Nerisa Almo   From: Philippine Entertainment Portal
[September 10, 2007]


    Nilinaw ng young actor na si John Prats na hindi binalak ng kanyang pamilya na itago ang pagbubuntis ng nakababata niyang kapatid na si Camille Prats.

    Matatandaan na noong Biyernes, September 5, kinumpirma sa PEP ng ina ni Camille na si Mrs. Alma Prats ang usap-usapan na apat na buwan nang nagdadalang tao ang young actress. Inamin din ni Mommy Alma na ang boyfriend ni Camille na si Anthony Linsagan ang ama ng dinadala ng dating child actress.

    Sa interview ng The Buzz kahapon, September 9, ipinaliwanag ni John na gusto lang nilang maging handa ang lahat bago nila ipaalam sa publiko ang pagbubuntis ng kanyang kapatid.

    Aniya, "Unang-una, kami, gusto naming i-prepare the whole family, yung mga kapatid ko pang mas maliliit. I have a nine-year-old baby brother and a 10-year-old sister. Siyempre, sa school pine-prepare namin sila na maayos ang lahat. Gusto namin na i-handle namin ito ng buong pamilya nang maayos."

REVELATION.
    Sa exclusive interview kay John, naikuwento ng young actor kung paano unti-unting nalaman ng buong pamilya ang tungkol sa situwasyon ni Camille.

    Sila raw ng kanyang ama na si Mr. Dondie Prats ang unang nakaalam tungkol sa kalagayan ni Camille.

    Kuwento niya, "Natatandaan ko noon galing ako sa rehearsal ng ASAP '07. Tapos sabi ko, �Akyat lang ako.' Si Dad nasa phone noon, problemado tapos may kausap, �Hindi, hindi stay there. I'm gonna talk to you.' Siguro for 30 minutes, nakaupo lang ako doon. Sabi niya, �Halika, halika.' Kinakabahan na ako. Tapos sinabi na niya na, �Your sister is pregnant.'"

    Hindi raw alam ni John kung ano ang magiging reaksiyon niya that time. Nang magkita silang magkapatid ay tahimik lamang ito at niyakap niya nang husto si Camille.

    Matapos nito ay ipinaalam na rin ng mag-ama ang katotohanan kay Mrs. Prats.

    Ayon kay John, "Nagpunta kami sa isang hotel, nag-check-in kami buong family. Siyempre light, light lang my Dad, e. Sinabi niya na parang, �O, meeting tayo, family meeting. Aalis na si Camille, tutuloy na siya, mag-aaral na siya sa States,' sabi ni Dad. Sabi ni Mommy, �Bakit ba?' Ayaw kasi ni Mommy na mag-aral sa States si Camille.

    "Hindi ko na maalala, sobra talagang grabe ang mga pangyayari sa room na �yon. Naging emotional na, after that [niyakap] na niya si Camille."

PAUL SORIANO.
    Inamin naman ni John na nadismaya siya sa "no comment" na pahayag ng direktor na si Paul Soriano ukol sa isyu. Lumabas kasi ang pangalan ni Paul sa pagbubuntis ni Camille, pero pinabulaanan na ni Camille at ng kanyang ina na si Paul ang ama.

    Nang hingan ng pahayag si Paul tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan, "no comment" ang isinagot nito sa text message.

    "Hindi talaga ako natutuwa [sa comment ni Paul]," pahayag ni John. Naging maayos diumano sana kung diniretso na ni Paul na hindi siya ang ama ng bata.

    Paliwanag ni John, "Unang-una, wala ka dapat sa usapang ito. Pangalawa, huwag naman tayo magpaka-showbiz. No comment? Ang daming meaning niyang �no comment,' e. Unang-una, ako na ang nagsasabi, 'Huwag ka nang makisali.'

    "Kasi ang gusto lang naman ni Camille ay maayos itong pagsasabi niya sa mga tao. Now, tumatayo ako bilang kapatid and it's a natural and a normal reaction for a brother na maging ganito ang reaksiyon ko."

    Inamin ni John na nanligaw sa kanyang kapatid si Paul, na ngayon ay kasintahan na ni Toni Gonzaga.

    "Ganito kasi �yon, nag-cool off si Anthony and Camille that time and then pumasok sa eksena itong si Paul at nagpaparamdam�tawag nang tawag. So okay, lumalabas sila, in short, nanliligaw. And biglang nawala..." kuwento ni John.

    Pero nilinaw ni John na, "Hindi naging sila [ni Paul]."

    Kaya naman hinihiling ni John na sana ay sabihin na lang ni Paul na hindi siya ang ama.

    "Just tell the truth. The truth, �I am not the father.' The truth. It's a simple yes or no," diin niya.

FAMILY SUPPORT.
    Nagpahayag din si John ng paghanga kay Camille dahil sa matibay na pagharap nito sa pagsubok.

    "I admire my sister kasi, unang-una, hindi pumasok sa isip niya na ipalaglag ang bata," ani John.

    Gayundin ang kanyang paghanga sa kanyang ama na naging maayos ang pagtanggap sa pagbubuntis ni Camille.

    Aniya, "Dad, alam mo sobrang ina-admire kita kasi kung paano mo hinandle ang pamilya mo. Sobra kaming thankful kasi ikaw ang naging Daddy namin. Hindi namin alam ang gagawin namin kung wala ka. I love you so much and I'm always here."

    Nagbigay rn ng mensahe si John para sa kanyang magiging bayaw na si Anthony: "Alam mong in-accept ka namin, ng pamilya, nang buung-buo. And now we're giving you my sister. Alagaan mo ang kapatid ko and magiging pamangkin ko because I love them, we love them so much. I know naman na mapu-provide mo �yon. Honestly, I'm so happy na ikaw dahil I know na ikaw ay magiging mabuting asawa at magiging mabuting ama."

    Para sa mga taong humuhusga at manghuhusga pa lang kay Camille, ito ang pahayag ni John: "Sa mga taong humuhusga o huhusga pa lang sa kapatid ko, alam n'yo okay lang �yon. It's your life, masaya kayo doon, that's fine. Kasi kami, pagkatapos naman ng araw ay buhay pa rin namin ito."