John Prats gagawin na ang "Manay Po 2"
By: Nitz Miralles   From: People's Tonight
[January 13, 2008]

    Nakabalik na noong January 10 si John Prats mula sa pagbisita kay Camille Prats sa Los Angeles, California.

    Hindi na nahintay ng actor na manganak ang kapatid sa last week of this month, dahil sa maraming trabahong naghihintay sa kanya rito.

    Ang isa sa mga gagawin ni John ay ang pelikulang Manay Po 2, kung saan pumayag na siyang gumanap na bading uli sa hit movie ng Regal Entertainment.

    For sometime, hindi makumpirma ang kanyang partisipasyon, pero ang latest, tinanggap na nito ang project at this month na sisimulan ang shooting nito at si Joel Lamangan pa rin ang director.

    Kung nasimulan sa original schedule ang shooting ng Manay Po 2, maipalalabas na sana ito sa February.

    Walang problema kina Polo Ravales at Luis Alandy at welcome sa kanila ang gay roles. Kasama na rin daw sa cast si Katrina Halili as the babymaker.

    Samantala, bukod sa kuwento sa malapit na panganganak ng kapatid, marami ang interesadong malaman kung ano ang pasalubong ni John sa rumored girlfriend na si Shaina Magdayao.

    Kilalang bonggang magregalo sa actress ang binata at puro alahas pa ang ibinibigay sa dalaga.